NALUNGKOT ka ba dahil walang tumama sa mahigit P1 bilyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 o natuwa dahil may pagkakataon ka pang tumama sa Biyernes?
Isang masuwerteng manananaya naman ng Super Lotto 6/49 ang tumama ng P97.3 milyong jackpot prize.
Sa bola ng Ultra Lotto Martes ng gabi, walang tumama sa winning number combination na 12-16-46-03-38-36. Umabot sa P1.026 milyon ang actual jackpot prize.
Nanalo naman ng tig-P158,760 ang 113 mananaya na nakakuha ng limang numero.
Tig-P1,880 naman ang napanalunan ng 7,594 mananaya na nakakuha ng apat na mananaya. Tig-P20 naman ang tinamaan ng 188,427 mananaya na nakatatlong numero.
Samantala, isang mananaya naman ang nanalo ng P97.384 milyon sa Super Lotto. Siya ang nag-iisang nakakuha sa winning number combination na 19-32-40-21-05-43.
Nanalo naman ng tig-P70,000 ang 28 mananaya na nakalimang numero. Tig-P1,280 naman ang 1,308 mananaya na nakaapat na numero. Tig-P20 naman ang 28,776 mananaya na nakatatlong numero.