Balita

Lotto machine nasira sa dami ng tumataya

By: - 10/10/2018

DAHIL sa dami ng tumataya, nasira ang ilang printer ng lotto machine sa kasagsagan ng tayaan para sa P1 bilyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 noong Martes ng gabi.

Inireport na ng lotto outlet sa Bangued, Abra ang pagkasira ng kanilang printer sa Philippine Charity Sweepstakes Office upang agad itong mapalitan para sa inaasahang pagdagsa muli ng mga mananaya para sa bola ng Ultra Lotto sa Biyernes, ayon sa ulat ng Unang Balita.

Hinihintay ng Bandera ang tugon ng PCSO upang malaman kung ilang lotto machine ang nasira.

Ang taya sa lotto ay iniimprenta sa thermal paper at ang tanging security feature nito ay ang code na nasa gilid ng tiket na siyang binabasa ng machine upang malaman kung ito ang nanalong tiket.

Ito rin ang dahilan kung bakit kailangang ingatan ang tiket. Kapag natupi, nalukot, nabasa, o nainitan ito ay maaaring mabura o masira ang code at hindi na ito mabasa ng machine.

Kung hindi na mababasa ng machine ay hindi maaaring ideklara na ito ang nanalong tiket.

Ang mga premyo na hindi nakuha matapos ang isang taon ay mapupunta sa Charity Fund ng PCSO.

Sa bawat P1 taya sa lotto 55 sentimos ang napupunta sa Prize Fund, 30 sentimos sa Charity Fund at ang nalalabi sa gastos sa operasyon.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Maingay na tambutso sa Pasay may multang P4K

KUNG residente ka na may sasakyan sa Pasay at kung ikaw naman ay dadaan lamang...

Netizens naghinaing sa tax sa ‘daing’

ISA lang ang sigaw ng maraming Pilipino ukol sa proposal ng Department of Health (DOH)...

Maging ligtas sa Undas: 8 street-smart tips for travelers

ASAHAN na exodus na naman sa Maynila ang ganap ng marami nating kababayan ngayong ilang...

Unused VL, SL convertible to cash!

NGAYONG papalapit na ang Christmas season, isa sa mga pinakahihintay nating mga empleyado ay ang...

6 nakakakilabot na lugar sa Pinas

MARAMING napaulat na kababalaghang nangyari sa bansa at ang mga ito ay pinatotohanan ng mga...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...