Balita

Freddie Aguilar, Koko Pimentel kabilang sa mga naghain ng COCs para sa Senado

10/11/2018

ISANG incumbent senator, isang musikero, isang dating mambabatas ang ilan lamang sa mga naghain ng kani-kanilang certificate of candidacy sa Commission on Elections (Comelec) headquarters sa Intramuros, sa unang araw ng paghahain ng COCs, ngayong araw.

Tatagal naman ang paghahain ng COCs sa Miyerkules, Oktubre 17.

Kabilang sa mga naghain ng COCS ay si re-electionist Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III.

Naghain din ng kanyang kandidatura ang singer na si Freddie Aguilar, na tatakbo sa ilalim ng PDP-Laban.

Inamin naman ni Aguilar na hindi niya nakuha ang basbas ni Pangulong Duterte, bagamat sinabing tiniyak ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na susuportahan niya ang kanyang kandidatura.

“Dahil sa kagustuhan ko pong tuloy-tuloy ang pagbabago ay tumakbo na rin po para tumulong sa bayan natin,” sabi ni Aguilar.
Tatakbo rin si Bayan Muna Chairman Neri Colmenares bilang senador, na tumakbo, bagamat natalo sa 2016 senatorial race.

“Panahon na para magkaroon ng boses at mata ang karaniwang tao sa Senado, at manalo ang karaniwang tao sa 2019 elections,” sabni ni Colmenares.

Ilan din sa mga tatakbong senador ay sina Dr. Willie Ong, Samira Gutoc-Tomawis, Atty. Danilo Roleda at dating Manila City Councilor Danilo Roleda.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

VIRAL: Test paper ng Grade 2 ‘disturbing’, may tanong tungkol sa EJK, abusadong pulis

Bothered ang isang netizen nang i-post niya ang nakita niyang mga tanong sa exam ng...

Bilyon-bilyong pisong road users tax, anong silbi sa ‘yo?

KAMAKAILAN ay binuwag ng Malakanang ang tinaguriang Road Board dahil nagiging “milking cow” umano ito...

ARMY speaks: 12 reasons (or more) why BTS is today’s best boy band

BTS has proven a lot of things.  One of these was when they cracked the...

Why do you need to examine your balls?

SIGURO pamilyar ka naman sa programa kaugnay ng pagtuturo sa mga babae ng pagsalat sa...

Round Trip: Espana Boulevard

TWO things would easily pop into your mind kapag pinag-usapan ang España Boulevard sa Maynila:...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...