Sports

NBA All-Stars na magsusuot ng ibang jersey sa 2018-19 season WOKE UP NA MAY BAGONG TEAM

By: - 10/15/2018

MAGBUBUKAS na sa Miyerkules, Oktubre 17, ang 2018-19 season ng National Basketball Association.
At tulad ng mga nagdaang taon ay maraming mga players ang nate-trade o lumilipat ng koponan sa layuning makatikim ng kampeonato sa liga.
Sa season na ito ay may sampu tayong NBA superstars na aabangan na maglalaro sa bagong koponan.

LEBRON JAMES
at RAJON RONDO
Big deal sa NBA at mga fans nito saan man maglaro si “King James”. At lalong nagliyab ang balita nang sa Lakers niya gustong maglaro matapos na maihatid sa Finals at sa kampeonato ang Cleveland Cavaliers at Miami Heat.
Ngayon pa lang ay inaabangan na ng mga die-hard Lakers fans ang pagbabalik ng koponan sa Playoffs pero kaya ba ni LeBron na bitbitin ang koponan sa Finals?
Makakatulong niya sa kampanyang ito si Rondo na sumikat matapos pangunahan ang Boston Celtics sa kampeonato noong 2008.
Ang ironic nga lang nito dahil tinalo nina Rondo kasama sina Kevin Garnett, Paul Pierce at Ray Allen sa 2008 NBA Finals ang Lakers na team na niya ngayon.

KAWHI LEONARD at DEMAR DEROZAN
Nagpalitan ng koponan sina Leonard at DeRozan matapos silang i-trade sa isa’t-isa nitong Hulyo.
Si Leonard na ngayon ang pambato ng Toronto Raptors at si DeRozan naman ang inaasahang magiging top scorer ng San Antonio Spurs.
Sa dalawang ito ay mas maganda ang kinalalagyan ni Leonard dahil may tsansa ang Raptors na pagharian ang Eastern Conference
lalo na’t nilisan na ni LeBron ang Cavaliers.
Ang Spurs naman ay kasalukuyang nasa ‘rebuilding’ stage matapos na magretiro na sina Tim Duncan at Manu Ginobili at lumipat sa Charlotte Hornets si Tony Parker.

DWIGHT HOWARD
Isa sa pinakamahusay na “big man” ng NBA si Howard. Pero dahil madalas siyang dapuan ng injury ay palipat-lipat ng koponan ang dating Slam Dunk king ng NBA.
Matapos na ma-draft siya ng Orlando Magic bilang No.1 overall pick noong 2004 ay lumipat siya sa L.A. Lakers, Houston Rockets, Atlanta Hawks, Charlotte Hornets at ngayon ay starting center siya ng Washington Wizards.
Mapanatili lamang niya ang kalusugan ay tiyak na aabot sa Playoffs ang Wizards sa season na ito na katuwang sina John Wall at Bradley Beal.

CARMELO ANTHONY
Tulad ni Howard, isang “journeyman” na ring maituturing si Anthony.
Bagaman kinukunsidera si Anthony bilang “scoring machine” ay naba-bash siya sa kakulangan sa depensa.
Kaya naman mula Denver Nuggets ay napunta siya sa New York Knicks, Oklahoma City Thunder at ngayon ay nasa Houston Rockets na siya.
Sa sistema ng opensa ng Rockets na nakasentro sa fastbreak at three-point shooting ay baka maging swak dito ang istilo ni Anthony.

DeAndre Jordan
Noon pa sanang 2015 lilipat sa Dallas Mavericks mula Los Angeles Clippers si Jordan.
Kaya lang ay napigilan at nakumbinsi siyang manatili sa L.A. ng mga dati niyang kakampi na sina Paul Pierce at Blake Griffin.
Wala na sa Clippers sina Pierce at Griffin at wala na rin ang mga point guard na sina Chris Paul at Austin Rivers kaya nag-decide si Jordan na ituloy na ang balak nitong paglalaro sa Dallas.
Syempre, sino ba naman ang makatatanggi sa 1-year, $24-million offer ng Mavs, di ba?

Damarcus Cousins
at Isaiah Thomas
Parehong may iniindang injury sina Cusins at Thomas kaya hindi sila makapaglalaro sa season opener ng kani-kanilang teams.
Pero once na healthy sila ay malaki ang magiging impact ng dating sentro ng Sacramento Kings at New Orleans Pelicans na si Cousins sa Golden State Warriors gayundin si Thomas para sa umuusbong na Denver Nuggets.
Alam naman nating super lakas na ng Warriors dahil nasa kanila na sina Stephen Curry at Kevin Durant na mga dating MVP winners ng NBA plus nariyan pa sina Klay Thompson at Draymond Green.
Ngayon may Cousins pa sila, aba wag na kaya nila paglabanan ang championship at ibigay na lang agad ito sa Golden State.
Pero wag mo sabihin yan sa ibang contenders tulad ng Nuggets.
Target ng Denver ngayon na makarating kahit sa conference finals man lang. Solid naman ang team dahil nasa kanila ang mga sinasabing future ng liga tulad nina Nikola Jokic, Jamal Murray, Paul Millsap, Garry Harris at Will Barton.
Now they also have Thomas. No doubting, there.

Vince carter
Sa edad na 41 ay nakakabilib na patuloy pa ring naglalaro sa NBA si Carter.
Hindi na siya nabibigyan ng mahabang playing time pero fit-to-play pa rin ang lolo mo sa liga.
Sa papasok sa season ay sa Atlanta Hawks maglalaro si “Half Man-Half Amazing” at malamang na huling season na niya ito sa NBA.
Bago rito ay nakapaglaro siya sa pitong iba pang teams: Toronto Raptors, New Jersey Nets, Orlando Magic, Phoenix Suns, Dallas Mavericks, Memphis Grizzlies at Sacramento Kings.

 

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Depression, suicide: Hindi dapat balewalain

SUICIDE ang nakikitang solusyon ng ilang tao para matakasan ang kinakaharap na problema. Isa sa...

Ikaw na maging pusa na may apartment na $1,500 renta kada buwan

SAN JOSE, California (AP) — Dalawang pusa ang nakatira sa isang studio apartment na nirerentahan...

ATTENTION MOTORISTS: Alamin pros and cons ng ‘No garage, no car bill’

Mukhang seryoso ang Senado sa panukalang ipagbawal ang pagbili ng kotse kung walang garaheng pagpaparadahan...

Health tip: An egg a day keeps the doctor away

HINDI lang apple kundi maging ang pagkain ng itlog kada araw will keep the doctor...

Kidnap victim muntik maipakain sa buwaya

  BRIDEPORT, Connecticut  — Isang tatlong talampakang buwaya ang ginamit ng isang lalaki para magbayad...

Where to go when in Kapitolyo

KAPITOLYO in Pasig City has always been interesting, especially kung mahilig ka mag food trip....

9 pagkain na babalik-balikan tuwing Simbang Gabi

AMININ, bukod sa pakikinig sa sermon ng pari na siya namang dapat na pangunahing layunin...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...