Sports

NCAA SEASON 94 FINAL FOUR MATIRA ANG MATIBAY

10/22/2018

MAY natitira pang isang playing day ang NCAA Season 94 men’s basketball tournament sa Martes, Oktubre 23, pero noong isang linggo pa naplantsa ang tapatan ng apat na koponan sa Final Four.

Magtatapos na numero uno sa elims ang nagdedepensang kampeong San Beda University habang papangalawa naman ang Lyceum of the Philippines University.

May tangan na twice-to-beat advantage ang SBU Red Lions at LPU Pirates sa semifinal round na ang ibig sabihin ay isang panalo lamang ang kailangan nito laban sa kanilang katunggali sa Final Four para makabalik sa NCAA best-of-three Finals.

Sa Final Four, na mag-uumpisa sa Biernes, Oktubre 26, ay makakasagupa ng Pirates ang Letran Knight habang makakalaban naman ng Red Lions ang season host Perpetual Help Altas.

Bagaman llamadong maituturing ang San Beda at Lyceum na nagharap din sa Finals noong isang taon ay may tsansa pang makaagaw-eksena ang dalawang iba pang semifinalist lalo na ang Letran na ginulat ang Lyceum, 80-79, sa ikalawang round ng elims.

Pero ibang usapan ang Final Four. Tiyak na hindi magpapabaya ang Lyceum at San Beda na inaasahang tatapusin agad ang Final Four.

Sasandal si San Beda head coach Boyet Fernandez kina Robert Bolick, Ranbill Tongco, Pierre Tankoua at Javee Mocon habang aasa naman si Perpetual Help coach Jimwell Gican naman ay aasa kina Prince Eze, Edgard Charcos, Jielo Razon, AJ Coronel at Kim Aurin.

Inaasahang magbibida naman para kay Lyceum coach Topex Robinson sina CJ Perez, Mer Jesper Ayaay, Kim Cinco, Mike Nzeusseu at sina Jaycee at Jayvee Marcelino habang magpapakita ng gilas para sa Letran ang mga kamador ni coach Jeff Napa na sina Larry Muyang, Bong Quinto, JP Calvo, Christian Fajarito at Jerrick Balanza.

Noong isang taon winalis ng San Beda ang Lyceum sa Finals, 2-0.

Ang Red Lions ay may NCAA record 21 titulo sa men’s basketball. Pumapangalawa naman ang Knights na may 17
kampeonato.

Ang Pirates at ang Altas ay hinahanap pa rin ang una nilang korona sa liga.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Depression, suicide: Hindi dapat balewalain

SUICIDE ang nakikitang solusyon ng ilang tao para matakasan ang kinakaharap na problema. Isa sa...

Ikaw na maging pusa na may apartment na $1,500 renta kada buwan

SAN JOSE, California (AP) — Dalawang pusa ang nakatira sa isang studio apartment na nirerentahan...

ATTENTION MOTORISTS: Alamin pros and cons ng ‘No garage, no car bill’

Mukhang seryoso ang Senado sa panukalang ipagbawal ang pagbili ng kotse kung walang garaheng pagpaparadahan...

Health tip: An egg a day keeps the doctor away

HINDI lang apple kundi maging ang pagkain ng itlog kada araw will keep the doctor...

Kidnap victim muntik maipakain sa buwaya

  BRIDEPORT, Connecticut  — Isang tatlong talampakang buwaya ang ginamit ng isang lalaki para magbayad...

Where to go when in Kapitolyo

KAPITOLYO in Pasig City has always been interesting, especially kung mahilig ka mag food trip....

9 pagkain na babalik-balikan tuwing Simbang Gabi

AMININ, bukod sa pakikinig sa sermon ng pari na siya namang dapat na pangunahing layunin...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...