Sports

Atletang may kapansanan tatanggap ng pabuya

By: - 10/22/2018

KUNG nabigyan ng cash incentive ang mga atletang nanalo sa Asian Games ay mabibiyayaan din ang mga atletang may kapansanan na nakapagbigay karangalan sa bansa sa ginanap na 2018 Asian Para Games sa Jakarta, Indonesia.

Ayon sa R.A. 10699 o ang “National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act of 2001”, tatanggap ng pabuya mula sa Philippine Sports Commission (PSC) ang mga atletang nagwagi ng medalya sa 2018 Asian Para Games sa pangunguna nina Sander Severino na nanalo ng apat na ginto sa chess at Ernie Gawilan na sumungkit ng tatlong ginto sa para sa swimming.

“Our medalists will be the first recipients of the R.A. 10699, in the Asian Para Games level. We express our sincerest gratitude to the government and the PSC for its intensive support for our para-athletes,” sabi ni Philippine Paralympic Committee president Michael Barredo.

Nakasaad sa Section 8 ng R.A. 10699 na ang bawat gintong medalya sa Asian Para Games ay may katumbas na P1 milyong pabuya.

Ang bawat silver medal naman ay tatanggap ng P500,000 at ang bawat bronze medal ay mayroong makukuhang P200,000.

May karagdagang insentibo naman para sa mga atletang nakapagtala ng bagong marka sa nasabing palaro at matatanggap ito ni Gawilan na dalawang beses binasag ang dating Asian Para Games record sa men’s 400m freestyle na 5:10.18 na naitala ni Pan Shi Yun ng China noong 2014.

Unang binasag ni Gawilan ang dating record sa heat nang magtala siya ng tiyempong 4:56. Nahigitan niya ito sa finals nang maorasan siya ng 4:51.

Ayon kay PSC commissioner Arnold Agustin, igagawad ang mga cash gift sa isang simpleng seremonya sa Malacañang Palace sa Nobyembre.

Sa kabuuan, nakapag-uwi ang delegasyon ng Pilipinas sa 2018 Asian Para Games ng 10 ginto, 8 pilak at 11 tanso para magtapos sa ika-11 puwesto mula sa 43 sumaling bansa.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Depression, suicide: Hindi dapat balewalain

SUICIDE ang nakikitang solusyon ng ilang tao para matakasan ang kinakaharap na problema. Isa sa...

Ikaw na maging pusa na may apartment na $1,500 renta kada buwan

SAN JOSE, California (AP) — Dalawang pusa ang nakatira sa isang studio apartment na nirerentahan...

ATTENTION MOTORISTS: Alamin pros and cons ng ‘No garage, no car bill’

Mukhang seryoso ang Senado sa panukalang ipagbawal ang pagbili ng kotse kung walang garaheng pagpaparadahan...

Health tip: An egg a day keeps the doctor away

HINDI lang apple kundi maging ang pagkain ng itlog kada araw will keep the doctor...

Kidnap victim muntik maipakain sa buwaya

  BRIDEPORT, Connecticut  — Isang tatlong talampakang buwaya ang ginamit ng isang lalaki para magbayad...

Where to go when in Kapitolyo

KAPITOLYO in Pasig City has always been interesting, especially kung mahilig ka mag food trip....

9 pagkain na babalik-balikan tuwing Simbang Gabi

AMININ, bukod sa pakikinig sa sermon ng pari na siya namang dapat na pangunahing layunin...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...