Showbiz

BTS, Favorite Social Artist sa 2018 AMAs

10/22/2018

ITINANGHAL ang K-pop group sensation na BTS bilang Favorite Social Artist sa 2018 American Music Awards (AMA), kamakailan.

Ang BTS ang kauna-unahang K-pop artist na nanalo ng nasabing award sa prestihiyosong award show. Natalo nila sina Cardi B, Ariana Grande, Demi Lovato, at Shawn Mendes.

Hindi naman nakadalo ang BTS sa awarding dahil abala sila ng kanilang “Love Yourself” tour European leg.

Sa kabila naman nito, naghanda ang BTS ng isang prerecorded video message na ipinakita sa red carpet show, na kung saan sinabi nila, “Thank you so much, we’re so thrilled to win the favorite social artist award!”

“We just finished touring America and there was so much love and support! Thank you ARMY, so much, for voting for us for this very special award! And thank you, AMAs!” dagdag ng grupo.

Noong 2017, ang BTS din ang naging kauna-unahang K-pop na nag-perform sa AMAs kung saan inawit nila ang “DNA.” Nakuha rin ng BTS ang Top Social Artist award sa 2018 Billboard Music Awards noong Mayo.

Nagtanghal din ang grupo sa unang pagkakataon sa London noong Martes (Oktubre 9, 2018) at Miyerkules (Oktubre 10). Nakatakda ring dalhin ng BTS ang kanilang “Love Yourself” tour sa Amsterdam, Berlin at Paris.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Depression, suicide: Hindi dapat balewalain

SUICIDE ang nakikitang solusyon ng ilang tao para matakasan ang kinakaharap na problema. Isa sa...

Ikaw na maging pusa na may apartment na $1,500 renta kada buwan

SAN JOSE, California (AP) — Dalawang pusa ang nakatira sa isang studio apartment na nirerentahan...

ATTENTION MOTORISTS: Alamin pros and cons ng ‘No garage, no car bill’

Mukhang seryoso ang Senado sa panukalang ipagbawal ang pagbili ng kotse kung walang garaheng pagpaparadahan...

Health tip: An egg a day keeps the doctor away

HINDI lang apple kundi maging ang pagkain ng itlog kada araw will keep the doctor...

Kidnap victim muntik maipakain sa buwaya

  BRIDEPORT, Connecticut  — Isang tatlong talampakang buwaya ang ginamit ng isang lalaki para magbayad...

Where to go when in Kapitolyo

KAPITOLYO in Pasig City has always been interesting, especially kung mahilig ka mag food trip....

9 pagkain na babalik-balikan tuwing Simbang Gabi

AMININ, bukod sa pakikinig sa sermon ng pari na siya namang dapat na pangunahing layunin...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...