Sports

PSL ALL-FILIPINO AARANGKADA NA

By: - 10/29/2018

Magbabalik aksyon ang mga hinahangaang women’s volleyball player ng bansa para humataw sa Philippine Superliga (PSL) sa linggong ito.

Hindi lamang isa kundi dalawang torneyo ang magpapainit sa liga bago matapos ang taon.

Sa Oktubre 30 sasambulat ang mga laro sa PSL All-Filipino Conference habang sa Setyembre 3 naman mag-uumpisa ang PSL Collegiate Grand Slam (CGS).

Maglalaban-laban para sa kampeonato ng PSL All-Filipino Conference ang Petron, F2 Logistics, Foton, Generika-Ayala, Sta. Lucia Realty, Cocolife, Smart-PLDT at Cignal HD habang magtutuos naman para sa collegiate league ang University of the Philippines (UP), Far Eastern University (FEU), University of the East (UE), University of Santo Tomas (UST), De La Salle University-Dasmarinas at Colegio San Agustin (Binan selection).

Llamado pa rin sa All-Filipino Conference ang nagdedepensang kampeong Petron Blaze Spikers na pinamumunuan nina Frances Xinia Molina, Cherry Ann Rondina, Princess Ira Gaizer, Ria Duremdes, Rhea Dimaculangan, Mika Reyes at ang Most Valuable Player noong isang taon na si Aiza Maizo-Pontillas.

Sa Finals noong isang taon ay tinalo ng Petron ang F2 Logistics at tiyak na reresbak ang Cargo Movers sa season na ito sa pangunguna nina Kim Fajardo, Dawn Macandili, Abigail Marano, Michelle Morente, Mary Joy Baron, Ernestine Tiamzon, Kim Kiana Dy at Charleen Cruz-Behag.

Hindi naman patatalo ang Generika-Ayala na aasa kina Angeli Araneta, Marivic Meneses, Mikaela Lopez, Fiola Ceballos, Kat Arado, Bang Pineda at Patty Orendain.

Hindi rin pasisiguro ang mga kalaban sa Cignal na ibabandera sa torneyo sina Royse Tubino, Lutgarda Malaluan, Mylene Paat, Roselyn Doria, Acy Masangkay, Jheck Dionela, Shirley Salamagos, Janine Navarro at Rachel Anne Daquis.

Sa panig naman ng Cocolife, magdedepende ang kampanya nito kina Aerieal Patnogon, Justine Tiu, Alex Tan, Gyra Barroga, Dancel Dusaran at Dennise Michelle Lazaro.

Masusubukan naman ang tikas ngayon ng Sta, Lucia Realty dahil sa injury ng dalawa nitong manlalaro na sina Chin Basas at Filipino-American Mar-Jana Philips.

Gayunman, Nasa Lady Realtors pa rin sina Pamela Lastimosa, Jhoana Maraguinot, Michelle Laborte, Dhannylaine Demontaño, Jackielyn Estoquia, Jeanette Villareal, Roselle Baliton at Rebecca Rivera.

Inaasahang aarangkada rin ang Smart Giga Hitters nina Grethcel Soltones, Aiko Sweet Urdas, Czarina Grace Carandang, Alyssa Eroa, Katherine Villegas, Lizlee Ann Gata-Pantone at Jasmine Nabor.

At syempre hindi pwedeng balewalain ang Foton Tornadoes na kahit wala na sina Jaja Santiago at Dindin Manabat ay palaban pa rin ang koponan nina Maika Angela Ortiz, Shaya Adorador, CJ Rosario, Mina Aganon, Iumi Yongco,Gyselle Sy, Bea De Leon at Arianne Layug.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Road courtesy, ethics: Life over property

SA kalye, dapat life over property. Palagi ko na lang nadidinig ang reklamo mula sa...

Japanese train etiquette keri kaya ng Pinoy?

IMAGINE: Gigising ka ng 4 a.m. Maliligo, magsa-shampoo, magko-conditioner, magbo-blower.  Tapos 30 minutes mong paplantsahin...

It’s a miracle: Bata biglang nabuhay sa nasusunog na bahay

ITINUTURING na isang malaking himala ang pagkakaligtas ng 4-taon na batang babae na diumano’y nakulong...

Applying for a driver’s license? Here’s how

  ARE you planning to get a driver’s license so you can drive your brand...

7 Valentine’s date ideas around Metro Manila

VALENTINE’S is just around the corner, and we know many of you are planning on...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Irasshaimase to Onigiriya

Text by Djan Magbanua Photos by Pau Geluz MANILA is a simmering pot of culture....

Where to go when in Kapitolyo

KAPITOLYO in Pasig City has always been interesting, especially kung mahilig ka mag food trip....

9 pagkain na babalik-balikan tuwing Simbang Gabi

AMININ, bukod sa pakikinig sa sermon ng pari na siya namang dapat na pangunahing layunin...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...