Sports

NCAA Season 94 best-of-three Finals: UNANG KAMPEONATO SA LYCEUM O IKA-22 TITULO PARA SA SAN BEDA

By: - 11/05/2018

Noong isang taon sa NCAA men’s basketball tournament ay winalis ng Lyceum Pirates ang lahat ng 18 laro nito sa elims para awtomatikong makapasok sa best-of-three Finals.

Ang San Beda Red Lions naman ay nagtapos na may 16-2 rekord at dumaan muna sa semis para makarating sa championship round kung saan binigo nito ang San Sebastian Stags, 76-71.

Pero sa Season 93 Finals ay di inaasahang nanalasa ang Red Lions na nanalo ng 94-87 sa Game One at 92-82 sa Game Two para masungkit ang ika-21 titulo sa NCAA men’s basketball.

Yan ang kuwento noong isang taon.

Umpisa sa Martes, Nobyembre 6, ay magsisimula na ang best-of-three Finals ng NCAA Season 94 at muling maghaharap ang Lyceum at San Beda para sa kampeonato.

Sa pagkakataong ito ay llamadong maituturing ang nagdedepensang kampeong Red Lions na tinapos ang elims na may 17-1 record kumpara sa pumangalawang Pirates na may 15-3 kartada.

Gayunman, may pagkakataon ang Lyceum na makaresbak sa Red Lions at makuha ang kauna-unahan nitong kampeonato sa liga.

“It’s going to be a tough finals’,” sabi ni San Beda coach Boyet Fernandez.
“They (Pirates) had no experience whatsoever in a championship last year. That is the big difference in the coming title series. Now, they won one title under Zarks Burger squad. I know they have learned valuable lessons from that and also during the eliminations, and that will make the finals really tough.”

Head-on sa Season 94 ay may 1-1 record ang San Beda at Lyceum. Sa unang round ng elims ay nanalo ang Pirates, 73-66, pero nakaganti ang Red Lions sa second round, 75-68.

Ang San Beda ay pangungunahan nina Robert Bolick, Clint Dolinguez, Donald Tankoua, James Canlas, Calvin Oftana, Kenmark Carino, Arniel Soberano at Javee Mocon.

Magbibida naman sa panig ng Lyceum sina AJ Perez, Mike Harry Nzeusseu, Mer Jesper Ayaay, Jeffrey Santos, Ralph Tansinco, Spencer Pretta, Reymar Caduyac at ang kambal na sina Jayvee at Jaycee Marcelino.
Matuhog kaya ng San Beda ang ika-22 nitong kampeonato o magpipiyesta sa kauna-unahang pagkakataon ang mga taga-Intramuros?

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Depression, suicide: Hindi dapat balewalain

SUICIDE ang nakikitang solusyon ng ilang tao para matakasan ang kinakaharap na problema. Isa sa...

Ikaw na maging pusa na may apartment na $1,500 renta kada buwan

SAN JOSE, California (AP) — Dalawang pusa ang nakatira sa isang studio apartment na nirerentahan...

ATTENTION MOTORISTS: Alamin pros and cons ng ‘No garage, no car bill’

Mukhang seryoso ang Senado sa panukalang ipagbawal ang pagbili ng kotse kung walang garaheng pagpaparadahan...

Health tip: An egg a day keeps the doctor away

HINDI lang apple kundi maging ang pagkain ng itlog kada araw will keep the doctor...

Kidnap victim muntik maipakain sa buwaya

  BRIDEPORT, Connecticut  — Isang tatlong talampakang buwaya ang ginamit ng isang lalaki para magbayad...

Where to go when in Kapitolyo

KAPITOLYO in Pasig City has always been interesting, especially kung mahilig ka mag food trip....

9 pagkain na babalik-balikan tuwing Simbang Gabi

AMININ, bukod sa pakikinig sa sermon ng pari na siya namang dapat na pangunahing layunin...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...