Balita

PWD napahiya sa MRT

By: - 11/06/2018

HUMINGI ng paumanhin ang Department of Transportation kaugnay ng pagpapahiya umano sa isang taong may kapansanan ng mga guwardya ng Metro Rail Transit 3 sa North Avenue station sa Quezon City.

Ayon sa DoTr nagsasagawa ito ng imbestigasyon kaugnay ng post ni Shirley Iyulores sa kanyang Facebook account.

“Firstly, we extend our sincerest apologies to the PWD passenger and his family regarding the incident. While the investigation is still ongoing, please be assured that the DOTr MRT-3 does not condone any act that may offend or disrespect any person or passenger,” saad ng DoTr.

Ayon sa ulat na natanggap ng DoTr, pumunta ang PWD sa northbound baggage inspection alas-12:02 ng hapon noong Oktobre 26 at ipinakita ang photocopy ng kanyang PWD card sa dalawang guwardya na nagbabantay.

Hiningi ng guwardya ang original copy ng PWD pero hindi ito dala ng lalaki. Sinabihan umano ng guwardya ang PWD na dalhin ang original card sa susunod na pagsakay nito alinsunod sa DOTr MRT-3 Office Order 2017-0527 re: Priority Area for Senior Citizens, PWD, Pregnant, and Passengers with Children.

Kinuha ang PWD ang photocopy at hindi na sumakay.

Ayon kay Iyulores napahiya ang kanyang anak na pinagdudahan na gumagamit ng pekeng ID.

“My son behaved differently since then, which I suppose was due to the embarrassing situation he went through,” ani Iyulores.

Ang kanyang anak ay sumasakay umano ng tren para mapapunta sa training session para sa mga PWD sa College of St. Benilde mula pa noong Hunyo. Binigyan na rin umano ito ng PWD Beep Card pero hindi ito pinansin ng mga guwardya.

“To accuse my son of faking an ID and the staff’s failure to recognize his special MRT beep card is preposterous and downright insensitive,” ani Iyulores. “How did you train your security personnel in dealing with PWDs? It seems to be limited in physical disabilities only. Aren’t they aware of cases like ADHD, autism and the like? My son went thru a very humiliating experience only because of the ignorance of your staff.”

Sinabi ng DoTr na walang intensyon ang ahensya na ipahiya ang mga PWD.

“While we do not intend to embarrass the bearers of valid PWD IDs, we note that cases of fake IDs being presented by some passengers in MRT-3 are not uncommon, which is why our security personnel are keen on scrutinizing the authenticity of an ID presented by a passenger as issued by LGUs, OSCA, and other authorized agencies,” anang DoTr.

Sinabi ng DoTr na papaalalahanan nito ang kanilang mga tauhan na ipaliwanag ng maayos ang mga polisiya na ipinatutupad sa mga istasyon.

“This incident underscores the importance of ensuring that we provide the public not only with a safe and reliable mode of transport, but also a dignified commuting experience.”

Nakareserba ang unang bagon ng tren sa mga taong may kapansanan, buntis at senior citizen.

 

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

8 stress relievers according to Kris Aquino

KRIS Aquino, the queen of social media, has a few things to say about beating...

VIRAL: Test paper ng Grade 2 ‘disturbing’, may tanong tungkol sa EJK, abusadong pulis

Bothered ang isang netizen nang i-post niya ang nakita niyang mga tanong sa exam ng...

Bilyon-bilyong pisong road users tax, anong silbi sa ‘yo?

KAMAKAILAN ay binuwag ng Malakanang ang tinaguriang Road Board dahil nagiging “milking cow” umano ito...

ARMY speaks: 12 reasons (or more) why BTS is today’s best boy band

BTS has proven a lot of things.  One of these was when they cracked the...

Why do you need to examine your balls?

SIGURO pamilyar ka naman sa programa kaugnay ng pagtuturo sa mga babae ng pagsalat sa...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...