Balita

Pulse Asia: Pinoy pabor sa taas buwis sa yosi, susuporta sa kandidatong nagsusulong nito

By: - 11/07/2018

PABOR ang nakararaming Pilipino na taasan ang buwis sa sigarilyo, ayon sa survey ng Pulse Asia.

At susuportahan ng mga ito ang kandidato na payag taasan ang buwis sa sigarilyo.

Sa survey na isinagawa noong Setyembre 1-7, 67 porsyento (48 porsyentong lubos na pabor at 19 porsyento na medyo pabor) na ang nagsabi na pabor sila na taasan ang buwis sa sigarilyo at ang makokolekta ay gastusin sa mga health care program ng gobyerno.

Ang undecided naman ay 11 porsyento.

Ang hindi naman pabor ay 22 porsyento (12 porsyento na medyo hindi pabor at 11 porsyentong talagang hindi pabor).

Sa mga tinanong 23 porsyento ang naninigarilyo (14 porsyento ang araw-araw naninigarilyo, 6 porsyento ang occasional o dating araw-araw kung magyosi at 4 porsyento ang hindi nasubukang manigarilyo araw-araw).

Ang mga hindi naman nanigarilyo ay 77 porsyento (tig-5 porsyento ang dating naninigarilyo araw-araw, dating hindi madalas manigarilyo at sumubok dati, at 62 porsyento ang hindi nanigarilyo kailanman).

Nang tanungin kung susuportahan ng mga respondent ang mga kandidato na nagsusulong na taasan ang buwis sa sigarilyo, 64 porsyento ang nagsabi na susuporta, 21 porsyento ang undecided at 15 porsyento ang hindi susuporta).

Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,800 respondents na edad 18 pataas. Mayroon itong error of margin na 2.3 porsyento at 95 porsyentong confidence level.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

8 stress relievers according to Kris Aquino

KRIS Aquino, the queen of social media, has a few things to say about beating...

VIRAL: Test paper ng Grade 2 ‘disturbing’, may tanong tungkol sa EJK, abusadong pulis

Bothered ang isang netizen nang i-post niya ang nakita niyang mga tanong sa exam ng...

Bilyon-bilyong pisong road users tax, anong silbi sa ‘yo?

KAMAKAILAN ay binuwag ng Malakanang ang tinaguriang Road Board dahil nagiging “milking cow” umano ito...

ARMY speaks: 12 reasons (or more) why BTS is today’s best boy band

BTS has proven a lot of things.  One of these was when they cracked the...

Why do you need to examine your balls?

SIGURO pamilyar ka naman sa programa kaugnay ng pagtuturo sa mga babae ng pagsalat sa...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...