Balita

Jinggoy dumating, JV no show sa Tacloban

By: - 11/07/2018

WALA umanong problema kay dating Sen. Jinggoy Estrada kung magsasabay sila ng kanyang half brother na si Sen. Joseph Victor Ejercito sa entablado.

Nanghinayang pa si Estrada nang malaman na hindi tumuloy si Ejercito sa Tacloban City para sa pormal na pagsasanib-puwersa ng Hugpong ng Pagbabago na pinamumunuan ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Lakas-Christian Muslim Democrat ni ex-Leyte Rep. Martin Romualdez.

“Nanghihinayang ako na wala si JV. I wish he was here? I would have loved to share the same stage with him. I wish he was here,” ani Estrada sa panayam.

Sinabi ni Estrada na hindi lamang iisang posisyon ang pinag-aagawan sa pagkasenador kundi 12 kaya may tyansa na manalo silang magkapatid.

Nagpasalamat naman si Estrada sa pagsuporta sa kanya ng HNP at Lakas-CMD, kung saan chairman ang kanyang kumpara na si dating Sen. Ramon Bong Revilla Jr. 

Ayon pa sa dating senador hindi nakitang problema ng kanyang ama na si dating Pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada ang sabay nilang pagtakbo.

Matatandaan na umalis si Ejercito sa Puwersa ng Masang Pilipino, ang partido na pinamumunuan ng alkalde, at lumipat sa Nationalist Peoples Coalition.

Hindi pumunta si Mayor Estrada ng maghain ng certificate of candidacy si Ejercito. Sumama naman ang dating pangulo ng maghain ng kandidatura ang dating senador.

Sa mga lumabas na survey ay nakalalamang din ang dating senador kay Ejercito.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

8 stress relievers according to Kris Aquino

KRIS Aquino, the queen of social media, has a few things to say about beating...

VIRAL: Test paper ng Grade 2 ‘disturbing’, may tanong tungkol sa EJK, abusadong pulis

Bothered ang isang netizen nang i-post niya ang nakita niyang mga tanong sa exam ng...

Bilyon-bilyong pisong road users tax, anong silbi sa ‘yo?

KAMAKAILAN ay binuwag ng Malakanang ang tinaguriang Road Board dahil nagiging “milking cow” umano ito...

ARMY speaks: 12 reasons (or more) why BTS is today’s best boy band

BTS has proven a lot of things.  One of these was when they cracked the...

Why do you need to examine your balls?

SIGURO pamilyar ka naman sa programa kaugnay ng pagtuturo sa mga babae ng pagsalat sa...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...