Balita

Drug test mula Grade 4 suportado ng mayorya-SWS

By: - 11/08/2018

SUPORTADO ng mayorya ng mga Pinoy ang pagsasagawa ng mandatory drug testing sa mga mag-aaral mula Grade 4 pataas, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS). 

Sa survey na isinagawa mula Setyembre 15-23, nagpahayag ng pagpabor ang 51 porsyento (31 porsyento na lubos na sumasang-ayon at 20 porsyentong medyo sumasang-ayon) sa nais ng Philippine Drug Enforcement Agency na magsagawa ng drug testing sa mga grade 4 students pataas.

Ang mga hindi naman pabor ay 36 porsyento (24 porsyentong lubos na hindi sumasang-ayon at 12 porsyentong medyo hindi sumasang-ayon). Ang undecided ay 13 porsyento.

Pinakamarami ang pabor sa panukala sa Visayas na may net na 47 porsyento (69 porsyento ang pabor, 10 porsyento ang undecided at 21 porsyento ang hindi).

Sumunod ang Mindanao na may net na 25 porsyento (52 porsyentong pabor, 22 porsyentong undecided at 26 porsyentong hindi pabor).

Sa Metro Manila ay porsyento ang net (53 porsyentong pabor, 12 porsyentong undecided at 35 porsyentong hindi).

Sa iba pang bahagi ng Luzon ay nakapagtaya naman ng -6 net rating (41 porsyentong pabor, 11 porsyentong undecided at 48 porsyentong hindi).

Kinuha ang opinyon ng 1,500 respondents sa survey at mayroon itong tatlong porsyentong error of margin.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

8 stress relievers according to Kris Aquino

KRIS Aquino, the queen of social media, has a few things to say about beating...

VIRAL: Test paper ng Grade 2 ‘disturbing’, may tanong tungkol sa EJK, abusadong pulis

Bothered ang isang netizen nang i-post niya ang nakita niyang mga tanong sa exam ng...

Bilyon-bilyong pisong road users tax, anong silbi sa ‘yo?

KAMAKAILAN ay binuwag ng Malakanang ang tinaguriang Road Board dahil nagiging “milking cow” umano ito...

ARMY speaks: 12 reasons (or more) why BTS is today’s best boy band

BTS has proven a lot of things.  One of these was when they cracked the...

Why do you need to examine your balls?

SIGURO pamilyar ka naman sa programa kaugnay ng pagtuturo sa mga babae ng pagsalat sa...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...