Balita

Sara Duterte naki-daddy kay Erap; pagbabatiin si Jinggoy at JV

By: - 11/08/2018

NAKI-daddy na rin si presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kay dating Pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada.

Ayon kay Duterte-Carpio, lider ng Hugpong ng Pagbabago, tinawagan siya ni Estrada upang ibilin ang kanyang mga anak na sina dating Sen. Jinggoy Estrada at reelectionist Sen. JV Ejercito.

Bukod sa pag-endorso sa half-brothers, sinabi ni Estrada kay Duterte-Carpio na subukang pagkasunduin ang dalawa.

Sagot naman ni Duterte-Carpio: “….Yes daddy! Yes papa! Naki-daddy na lang din ako sa kanya.”

Sa pormal na pagsasanib-puwersa ng Hugpong, Lakas-Christian Muslim Democrats at Tingog Sinirangan partylist sa Tacloban City, dumating si ex-Sen. Estrada pero wala si Ejercito.

Kaya sabi ni Duterte-Carpio: “Kapag present si Senator Jinggoy, wala si Senator JV. Kapag present si Senator JV, wala si Senator Jinggoy.”

Ang magkapatid ay parehong inendorso ng Hugpong sa pagkasenador.

Nauna ng sinabi ni Jinggoy na walang problema sa kanya kung magkasama sila ni Ejercito sa isang entablado.

Si Jinggoy ay tumatakbo sa ilalim ng partidong itinayo ng kanyang ama (Pwersa ng Masang Pilipino) samantalang si Ejercito ay umalis dito at lumipat sa Nationalist People’s Coalition.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Mar Roxas’ things to do: Learn, work and love some more

LEARN some more, work some more, love some more. Ito ang mga bagay na nais...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...