ITUTULOY bukas ang pamimigay ng Pantawid Pasada fuel card bilang tulong sa mga driver ng pampasaherong sasakyan na apektado ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.
Ayon sa Department of Transportation kahapon ay namigay na ang Land Transportation Office sa East Ave., Quezon City ng mga fuel cards.
“Magtatagal ang pamamahagi ng fuel cards hanggang 9 November 2018, mula 9am hanggang 5pm,” saad ng DoTr.
Nagkakahalaga ng P5,000 ang fuel subsidy na magagamit na pambili ng diesel ng mga driver ng pampasaherong sasakyan.
“Layon ng subsidyong pagaanin ang epekto sa mga PUJ operator and driver ng paggalaw ng presyuhan ng mga produktong petrolyo dulot ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law.”
Ang fuel subsidy ay pinondohan gamit ang nakolekta sa TRAIN law.
Ang mga maaari lamang makatanggap ng subsidyo ay ang mga driver o operator na mayroong balidong prangkisa.