Balita

P18B loan agreement para sa MRT3 rehab pinirmahan na

By: - 11/08/2018

PINIRMAHAN ang P18 bilyong loan agreement para sa rehabilitasyon ng Metro Rail Transit 3.

Isinagawa ito matapos ang ceremonial signing ng Exchange of Notes for the MRT-3 Rehabilitation Project sa pagitan ng Department of Foreign Affairs at Japan International Cooperation Agency noong Miyerkules.

Ang Japanese company na Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries ang mangangasiwa sa maintenance at rehabilitation ng MRT 3.

Mangungutang ang gobyerno ng P18 bilyon sa Japan para sa pagsasaayos ng 72 Light Rail Vehicles at pagbabalik ng MRT 3 sa design capacity and reliability nito.

Papalitan din ang mga riles, power supply system, overhead catenary system, CCTV system, radio and public address system, signaling system, road-rail vehicles, depot equipment, elevators at escalators, at iba pang kagamitan sa mga istasyon.

Habang inaayos ay hindi ititigil ang operasyon ng MRT3 kaya tatagal ang rehabilitasyon ng 26 na buwan. Ang general overhaul naman ng 72 LRV ay matatapos sa loob ng 43 buwan.

Samantala, isang linggo ng ginagamit ng MRT ang isang set ng Dalian train na mayroong tatlong bagon. Ang bawat train set ay kayang magsakay ng 1,182 pasahero.

Bumibiyahe ito mula alas-9 ng umaga hanggang 3 ng hapon. Kailangang makompleto ng Dalian train ang 150 oras na pagtakbo sa riles bago ito tuluyang ipapasok sa sistema.

Binili ng Aquino administration ang 48 bagon sa CRRC Dalian Co. Ltd. subalit nakuwestyon ang kaligtasan nito kaya hindi nagamit.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Mar Roxas’ things to do: Learn, work and love some more

LEARN some more, work some more, love some more. Ito ang mga bagay na nais...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...