Balita

Miss Earth contestant biktima ng sex harassment

11/08/2018

GAMIT ang kanyang Instagram account, ibinunyag ni Miss Earth Canada Jaime Vandeberg ang naranasan umano niyang sexual harassment sa kasagsagan ng Miss Earth pageant na ginanap kamakailan sa Pilipinas.

Hindi tinapos ng 21-anyos na kandidata ang pageant at nagdesisyong umuwi ng Canada dahil hindi umano niya nararamadaman na ligtas siya habang nasa pangangalaga ng organizer.

Kwento ni Miss Earth Canada, ibinigay umano ang kanyang cellphone number sa isa umanong “sponsor” nang wala niyang pahintulot.

Hindi pinangalanan ni Vendeberg ang naturang sponsor na aniya ay ilang beses siyang tinawagan para hingin ang kanyang hotel room number.

Ilang ulit umano niyang nakita ang nasabing “sponsor” at may pagkakataon pa na sinabihan siya nito na kaya siyang alagaan at palusutin sa pageant kapalit ng “sexual favors.”

Kwento pa ng kandidata, sa isang event sa Manila Yacht Club, ay isinakay ng nasabing sponsor sa kanyang yate ang mga kandidata na kanyang kagrupo saka kinuhanan ng sexy photos ang mga ito.

Sa isa pang event na ginanap din sa Manila Yacht Club, sinabihan umano ng sponsor ang mga kandidata na kaya niyang dalhin ng Boracay ang mga ito basta huwag nilang ipagsasabi.

Kwento pa ng kandidata na ibinahagi niya ang karanasan sa organizers pero sinabihan siya ng mga ito na mahalagang maging “palakaibigan” siya sa sponsors.

Ayon pa kay Vendeberg, kinumpiska ng Miss Earth Organization ang kanyang pasaporte sa unang araw pa lang ng event kaya hindi siya agad nakaalis.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Mar Roxas’ things to do: Learn, work and love some more

LEARN some more, work some more, love some more. Ito ang mga bagay na nais...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...