Round Trip

7 spots for your goto/lugaw cravings

11/12/2018

Text: Djan Magbanua Photos: NoliSoli

Rice porridge o congee ay isang popular na rice meal lalo na sa mga bansa sa Asya. Bawat bansa may sariling bersyon nito tulad ng babur ng Indonesia. Meron din ang Japan at Korea, kayu at juk.
Sa Pilipinas mas kilala ito bilang lugaw. Malamig man o mainit ang panahon, ang lugaw ay isang favorite comfort food ng mga Pinoy.
Bilang bansa na mahilig sa kanin, swak na swak ito at patok sa masa kahit ano pang estado mo sa buhay.
Simple lang din ang paghahanda nito at iilan lang ang ingredients na kailangan para matawag itong lugaw.

Pero ano bang pinagkaiba ng lugaw, goto at arroz caldo? Ang lugaw ang pinaka plain version. Kadalasan, toasted garlic at green onions and egg ang sangkap nito pero swak na!

Arroz caldo na ang tawag pag nilagyan ito ng hiniwang manok bilang pandagdag lasa at mas nabubusog.

Ang goto naman ang much meatier na version ng plain lugaw and arroz caldo. Dito na pumapasok ang additional ingredients katulad ng tuwalya, karne ng baboy, manok o beef, chicharon at kung ano pang mga toppings.

Maging lugaw man, arroz caldo o goto ang hanap mo, narito ang listahan ng mga places where you can have either plain lugaw, arroz or goto:

1
Goto Believe
640 San Rafael St. Brgy. Plainview,
Mandaluyong

Ibang atake ang ginawa ng Goto Believe sa kanilang goto. Hinuli nila ang kiliti ng kanilang mga customers sa pamamagitan ng pagserve ng goto na may kakaibang toppings tulad ng isaw ng manok, tenga, bituka ng baboy at marami pang iba. Binabalik-balikan din sila dahil sa malasa nilang goto.

2
Goto Monster
Pablo Ocampo Sr. Ext, La Paz,
Makati City

You might think that this goto and lugaw place is a bit pricey. Pero sobrang worth it naman, so there’s no issue on that. Main attraction nila ang goto with pork bagnet as toppings.

3
Lugawan sa Tejeros
1066-B Pasong Tamo, Barangay Tejeros,
Makati City
Eto na ang typical lugawan kung saan may isang malaking kaldero kung saan niluluto ang lugaw. May mga side dish din tulad ng lumpiang ubod at tokwa kasama ang pork. Kahit anong oras ka pumunta rito ay laging puno ng mga tao dahil sa bukod sa masarap ay mura pa. You need patience para makatikim ng kanilang lugaw.

4
Dading’s Goto, Pares Atpb.
534 San Joaquin, Mandaluyong City
This actually got featured in one of Erwan Heussaff’s vlog. Kagaya ng mga road side lugawan at gotohan, mura at pang-masa rin ang presyo nito starting at P10.

5
Lugawan Republic
56 Scout Rallos Street, Laging Handa,
Quezon City.

Make your own lugaw? Try mo yan dito sa Lugawan Republic na hahayaan kang pumili ng type mong toppings katulad ng usual na quail eggs hanggang sa mga kakaiba katulad ng black mushrooms, century egg, chicken or pork adobo, litid at iba pa.

6
Goto Tendon
Maysilo Circle, Plainview, Mandaluyong City

A bit pricey pero they serve huge bowls of goto bukod pa sa kanilang mga silog and pares meals. Best way to enjoy ang kanilang goto ay mag-aya ng kaibigan para mag-share sa truly na nakakabusog na comfort food.

7
Mang Boy Lugawan & Eatery
1 Emerald Street, Rockville Avenue, Novaliches, Quezon City.
Level up version ng usual lugawan place mo. Andyan ang mahabang counter at upuan pero maliwanag ang lugar at pinag-isipan ang design ng interiors. Starts at P15 pero isa sa best sellers nila na hindi mo dapat palagpasin ay ang Bulalo Lugaw worth P149.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Mar Roxas’ things to do: Learn, work and love some more

LEARN some more, work some more, love some more. Ito ang mga bagay na nais...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...