Sports

17 ICONIC NBA STARS

By: - 11/19/2018

BAWAT player na naglaro sa National Basketball Association o NBA ay may kanya-kanyang brand para makilala at mag-iwan ng marka sa liga.

Ang ilan sa kanila, tinangkilik dahil sa mga signature moves, minahal dahil sa kanilang attitude sa loob ng hardcourt at hinangaan dahil sa kanilang hindi matatawarang dedikasyon para maabot ang tagumpay.

We listed down 17 iconic NBA stars from the ’90s up to the present na hindi na mabubura sa sinumang NBA fan.

1. Michael Jordan

Maybe the “greatest of them all,” MJ is undoubtedly the reason kung bakit maraming batang ’90s ang nangarap na maging basketball player.

Sino ba naman ang hindi napa-nganga sa “from the free throw line dunk,” clutch at acrobatic shots ng “His Airness?”

Hawak ni Jordan ang all-time records na 10 scoring titles at anim na NBA Finals Most Valuable Player award bukod pa sa pagiging six-time NBA champion at five-time season MVP.

2. Dennis Rodman

Colorful hairstyles, piercings, body tattoos at angas sa hardcourt.

Iyan ang brand ng old pal ni Jordan during their days in Chicago Bulls.

But it’s “The Worm’s” defensive and rebounding abilities ang nagpakilala sa kanya sa buong mundo.

Rodman is also a five-time NBA champ at pitong beses naging All-Defensive First Team.

3. Kobe Bryant

Not only because of signature shoes under his name that come in various trendy colorways kaya nagustuhan ng marami ang “The Black Mamba.”

It’s more of how the Los Angeles legend led the Lakers to five NBA titles and made it to the All-Star selection 18 times.

Above all of Kobe’s impressive skills ay mas tumatak ang kanyang turnaround fadeaway jumper na mahirap sabayan.

In 2008, he won the MVP award.

4. Shaquille O’Neal

Hindi puwedeng mawala sa eksena si Shaq kung si Kobe ang pag-uusapan.

Niyanig ng tambalang Shaq-Kobe ang NBA sa pagpasok ng new millenium kung saan nagtulong sila para makamit ng Lakers ang three-peat (2000-2002).

At sa lapad ng 15-time NBA All-Star, two-time NBA scoring champion at 2000 MVP walang makakapigil kapag lumipad na siya for a slam.

Sa ngayon ay may weekly tv show si Shaq, ang “Shaqtin’ A Fool.”

5. Allen Iverson

Before Kyrie Irving, James Harden, Russell Westbrook and other guards who are genius in “using the handles” came to known, there was Iverson.

Sa mga nakakahilong crossovers at malupit na dribbling skill, mapapanganga ka na lang kung paano niya basta iwanan ang mga bantay and slash through the basket.

Memorable din ang braid hairstyle at pinausong gangster look ng tinaguriang “The Answer” na ginugol ang karera sa Philadelphia 76ers.

Iverson is a four-time scoring champion and MVP in 2001 but never won an NBA ring during his 14-year career.

6. Yao Ming

First Asian NBA superstar.

Walang duda na binago ng 7-footer mula China ang tingin ng mundo sa style ng paglalaro ng mga Asyano.

Former number one overall pick si Yao noong 2002 at naglaro para sa Houston Rockets hanggang 2011 kung saan siya napabilang sa All-Star ng walong beses.

Isa rin si Yao sa pinakamatatangkad na players na naglaro sa NBA.

7. Kevin Garnett

After being drafted sa 1995 NBA draft straight from high school, agad na gumawa ng ingay si Garnett nang igiya ang Minnesota Timberwolves sa walong sunod na playoff appearances.

Mula noon ay unti-unting gumawa ng pangalan ang “The Big Ticket” hanggang sa kilalaning season MVP noong 2004 at maging All-Star ng 15 beses.

Sa paglipat ni KG sa Boston Celtics noong 2007, isang panibagong yugto sa NBA ang nagbukas nang buuin ng Celtics ang “Big Three” na kinabibilangan ni Garnett, Paul Pierce, at Ray Allen tungo sa kampeonato noong 2008.

8. Hakeem Olajuwon

Pinamunuan ng Nigerian-American center ang Houston sa back-to-back titles noong 1994 at 1995.

Tinaguriang “The Dream” dahil sa kanyang effortless moves tulad ng “dream shake” o yung almost perfect na paggamit ng footwork para lusutan ang depensa ng kalaban.

Olajuwon is a 12-time All-Star member, five-time All-Defensive First Team and was hailed season MVP in 1994.

9. Lebron James

Ever since Lebron showed to the world na he’s probably the “GOAT,” marami sa kanyang followers ang talaga namang full support saan man siya magpunta.

Known for his athleticism, James has an NBA record of eight straight Finals appearance na nagdala sa kanya sa tatlong kampeonato, noong 2012 at 2013 sa Miami at 2016 sa Cleveland.

Apat na beses tinanghal na MVP si “King James” (2009, 2010, 2012, at 2013) and now dons the Lakers colors.

10. Stephen Curry

Steph literally started from the bottom bago nakamit ang tagumpay na tinatamasa nga-yon.

Six years after ma-draft ng Golden State ay kinilala siyang MVP noong 2015 at 2016.

Nakilala si Curry’ sa pamatay na step back threes at long range shots na malaking tulong para buhatin ang Warriors sa tatlong NBA crowns sa nakalipas na apat na taon.

Hindi na dapat pagdebatehan na si Curry ang isa sa mga greatest shooters sa NBA.

11. Jeremy Lin

On this list, ang Harvard University graduate na si Lin ang weakest link in terms of statistical achievement sa NBA.

Pero dahil sa kanyang winning attitude habang nasa New York Knicks noong 2012 ay sumiklab ang global craze na tinawag na “Linsanity” na kalaunan ay ginawan ng movie adaptation.

Ngayon ay naglalaro para sa Atlanta Hawks si Lin, ang kanyang ikapitong koponan since 2010.

Siya rin ang first American-Taiwanese to play in the NBA.

12. Dirk Nowitzki

Highest-scoring foreign-born player in NBA history.

Pinatunayan ng Dallas Mavericks great na kayang makipagsabayan ng foreign players sa American league.

Nowitzki, who is of a German race, etched his signature one-foot fadeaway shot sa loob 20 taong karera.

Dirk bagged the MVP plum in 2007 at napasama sa All-Star selection ng 13 beses.

13. Vince Carter

Half-man, half-amazing.

Ganito inilarawan ang eight-time NBA All-Star because of his trademark acrobatic dunks during his prime years sa Toronto Raptors na naging daan para tanghaling “Slam Dunk King” noong 2000.

Kasama ni Dirk, si Carter na lang ang tanging active player na na-draft nung ’90s at oldest active player ngayon.

Playing on his 20th season with no title yet, Carter is bringing his experience sa Atlanta Hawks hoping na makasungkit ng korona bago man lang magretiro.

14. Steve Nash

Probably “one of the greatest point guards to play in the NBA” at isa sa mga may pinakamatataas na basketball IQ.

Si Nash na sumikat sa Phoenix Suns tungo sa pagiging MVP noong 2005 at 2006 ang pangatlo sa NBA all-time assists leaders na may 10,335 assists kasunod nina John Stockton at Jason Kidd.

Nash didn’t win any NBA title bilang manlalaro subalit nakakuha ng NBA ring noong 2017 nang magkampeon ang Warriors kung saan siya ang kasalukuyang player development consultant.

15. Tim Duncan

Hindi na siguro kataka-taka kung kinukonsidera ang San Antonio Spurs legend bilang “greatest power forward of all-time.”

Kung mastery ng fundamentals ng basketball ang pag-uusapan si Duncan na marahil ang best example nito.

Pinili bilang number one overall pick sa 1997 draft, tinulungan ni Duncan ang Spurs sa limang kampeonato (1999, 2003, 2005, 2007, 2014) bago nagretiro noong 2016.

Back-to-back MVP si Duncan noong 2002 at 2003 season.

16. Manu Ginobili

Part of the “Big Three” kasama sina Duncan at Tony Parker, isa ang Argentine sa mga bumuo sa haligi ng Spurs.

Sinamahan ni Ginobili si Rashard Lewis bilang tanging second round draft picks sa kasaysayan ng NBA na magtala ng 13,000 career points at at least 1,300 three-pointers.

Trivia: Si Ginobili ang second to the last o 57th pick ng Spurs.
Talagang pinaghirapan ng 2008 Sixth Man of the Year ang kanyang tagumpay na pinakinang pa ng apat na kampeonato.

17. Tony Parker

Hindi nga makukumpleto ang legacy ng Spurs kung wala ang French cager.

Katuwang sina Duncan at Ginobili, inukit nilang tatlo sa mapa ng NBA ang record na longest playoff streak.

Si Parker ang nagsilbing commander para sa Spurs sa loob ng 17 taon bago lumipat sa Charlotte Hornets.

Apat na NBA titles at anim na NBA All-Star appearances na ang nakamit ni Parker mula ma-draft noong 2001.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Sidewalk vendors: Dapat bang kaawaan o kainisan?

MAKAILANG ulit kong napanood sa Facebook page ng MMDA kung papaano magdahilan ang mga Pilipino...

8 stress relievers according to Kris Aquino

KRIS Aquino, the queen of social media, has a few things to say about beating...

VIRAL: Test paper ng Grade 2 ‘disturbing’, may tanong tungkol sa EJK, abusadong pulis

Bothered ang isang netizen nang i-post niya ang nakita niyang mga tanong sa exam ng...

Bilyon-bilyong pisong road users tax, anong silbi sa ‘yo?

KAMAKAILAN ay binuwag ng Malakanang ang tinaguriang Road Board dahil nagiging “milking cow” umano ito...

ARMY speaks: 12 reasons (or more) why BTS is today’s best boy band

BTS has proven a lot of things.  One of these was when they cracked the...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...