Sports

UP FIGHTING MAROONS LUMAPIT SA UAAP FINALS

By: - 11/24/2018

ISANG panalo pa at balik UAAP Finals na ang University of the Philippines matapos ang mahabang panahon.

Isinalba ni Bright Akhuetie ang Fighting Maroons sa bingit ng pamamaalam nang isalpak ang game-winning basket may 2.6 segundo pang nalalabi sa laro para ungusan ang Adamson Falcons, 73-71,  sa Final Four ng UAAP Season 81 men’s basketball Sabado ng gabi sa Mall of Asia Arena.

Buong gabing nangapa si Akhuetie bago nahanap ang tamang tiyempo sa pinakakailangang oras matapos na matanaw ni Juan Gomez de Liano na libre sa ilalim ng ring para sa pampanalong tira na naging daan para umareglo ang Maroons ng do-or-die semifinals match laban sa Falcons sa Miyerkules.

Huling nakapasok sa finals ang Maroons noon pang 1986 at ang pagbalewala sa twice-to-beat advantage ng Falcons sa knockout game ang babasag sa 32 taong paghihintay ng Maroons na makipagtagisan para sa titulo.

Sa nasabing taon din huling nagkampeon ang UP sa liga.

Kapwa nagtala ng 19 puntos sina Juan Gomez de Liaño at Paul Desiderio habang may anim na puntos si Akhuetie para sa Maroons.

Ipinasok ni Desiderio ang krusyal na mid-range jumper na nagbigay sa Maroons ng 71-69 abante bago kalmadong ibinuslo ni Sean Manganti ang dalawang free throws para itabla ang iskor sa 71-all sa huling 3.7 segundo ng laro.

Tumipa si Papi Sarr ng 23 puntos habang nagdagdag si Manganti ng 15 puntos para sa Falcons subalit bigong dagitin ang Maroons.

 

 

 

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Sidewalk vendors: Dapat bang kaawaan o kainisan?

MAKAILANG ulit kong napanood sa Facebook page ng MMDA kung papaano magdahilan ang mga Pilipino...

8 stress relievers according to Kris Aquino

KRIS Aquino, the queen of social media, has a few things to say about beating...

VIRAL: Test paper ng Grade 2 ‘disturbing’, may tanong tungkol sa EJK, abusadong pulis

Bothered ang isang netizen nang i-post niya ang nakita niyang mga tanong sa exam ng...

Bilyon-bilyong pisong road users tax, anong silbi sa ‘yo?

KAMAKAILAN ay binuwag ng Malakanang ang tinaguriang Road Board dahil nagiging “milking cow” umano ito...

ARMY speaks: 12 reasons (or more) why BTS is today’s best boy band

BTS has proven a lot of things.  One of these was when they cracked the...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...