Round Trip

Guide to your Christmas decor shopping

11/26/2018

Text and photos: Djan Magbanua

IT’S the most wonderful time of the year na naman. As always, lumuluwag ang ating pakiramdam everytime we see Christmas decors all over town — mula sa parol, Christmas tree, mga kumukuti-kutitap na ilaw na sasabayan pa ng mga Christmas carols. Sinong hindi mae-excite sa Pasko?
Maski ang mga bahay natin gusto nating may Christmas feels kaya kung ano-anong decoration ang inilalagay natin.
At dahil diyan, bago pa kayo tuluyan na magdekorasyon ng inyong mga bahay, narito ang Libre guide sa kung saan ang best places to buy your Christmas decors.

1
Dapitan Tiangge
Dapitan corner Mayon streets, Quezon City

When it comes to Christmas ornaments and displays, hindi nawawala ang Dapitan sa top of mind. Best finds here are mga naglalakihang displays, Christmas tree and Christmas statues. Dahil malawak ang daan hindi mata-trapik pag may dala kang sasakyan at madali ring makahanap ng parking lalo na kung umaga pupunta

2
Dapitan Arcade
Kanlaon cor Dapitan streets, Quezon City

One of the most famous go-to places for Christmas displays and lights. Iba’t ibang design ang meron sa pinagsama-samang mga stalls dito kasama ang mga parol, wall displays, at mga electric movable displays, at kahit hindi pang-Pasko ay naririto rin.

3
Andings Toys & Flowers
3rd Floor, Tutuban Center, Manila

May ilang branch na ang Andings, na wala man sa kanilang pangalan, ay isa rin sa pinakakilalang bilihan ng mga Christmas ornaments and displays. Ang isang naiiba sa kanila ay meron silang mga artificial flowers na pang-Christmas din.

4
Lace Center
Ground Floor, Tutuban Center, Manila

Aside from selling Christmas lights and tiny ornaments, ang main attraction dito ay ang iba’t-ibang decorations, not for the home, pero para sa mga regalo. From gift wrappers, ribbons, laces, yarns at kung ano pang maisip mo to decor your gifts, meron sila rito.

5
Divisoria
Tabora Street, Manila

Kung confident ka naman sa iyong bargaining skills, subukan mong bumili sa Divisoria, paricularly sa Tabora Street kung saan halos lahat ay nagbebenta ng iba’t-ibang Christmas displays from Christmas tree, lights, decors at marami pang iba. Ready yourself for gitgitan and beware of pickpockets.

6
The Christmas Factory
565 A.H. Lacson Street Sampaloc, Manila

Known for one stop shopping for Christmas decors.

Kung ayaw mong makipagbunuan sa dami ng tao at di sanay sa tawaran, here’s a place for you, na isang kembot lang from University of Sto. Tomas. Bukas sila from 9 a.m. to 7 p.m.

7
Noel Bazaar
World Trade Center, Pasay City
Best place for Christmas gifts. Bilang pinakamalaking Christmas bazaar sa metro, marami kang mabibili dito bukod sa mga Christmas ornaments. Huwag nang magpatumpik-tumpik pa, punta na rito dahil hanggang Nov. 30 na lang sila open. They are open from 12 noon to 10p.m. (Mondays to Thursdays), and 11 a.m. to 10 p.m. (Fridays to Sundays).

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

PITX nagbibigay dignidad sa pagko-commute

BINISITA namin recently ang Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX para malaman kung ano ba...

More opportunities await PWDs, senior citizens

DUMARAMI ngayon ang mga kompanya na tumatanggap ng mga empleyado nila na mga senior citizens...

Matteo’s vow: Pangako po aalagaan ko si Sarah kapareho ng pangangalaga n’yo sa kanya

NAG-sorry si Matteo Guidicelli sa mga magulang ni Sarah Geronimo in a post in his...

Maingay na tambutso sa Pasay may multang P4K

KUNG residente ka na may sasakyan sa Pasay at kung ikaw naman ay dadaan lamang...

Netizens naghinaing sa tax sa ‘daing’

ISA lang ang sigaw ng maraming Pilipino ukol sa proposal ng Department of Health (DOH)...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...