Sports

TEAM PILIPINAS BABANGON VS IRAN

By: - 12/03/2018

PIPILITIN ng Team Pilipinas na bumangon matapos na gulatin ng Kazakhstan noong Biyernes sa fifth window ng 2019 Fiba World Cup Asian Qualifiers at umiwas sa peligrong hindi makapasok sa
World Cup.

Makikipagtuos ang pambansang koponan sa mas llamadong puwersa ng Iran na galing rin sa kabiguan nang lampasuhin ng Australia, 76-47.

Magsasagupa ang Pilipinas at Iran 7:30 ng gabi sa Mall of Asia Arena.

Nalalagay sa alanganin ang nationals matapos na ungusan ng Kazakhs, 92-88, na nagpamalas ng magandang shooting percentage.

Dahil sa upset win ng Kazakhstan, tabla na sa ikatlong puwesto na may 5-4 win-loss record ang Pilipinas at Japan na pinagulong naman ang Qatar, 85-47, sa una nilang paghaharap sa Group F.

Kaya naman determinado ang Pilipinas na talunin ang Iran para maipaghiganti nito ang 81-73 pagluhod sa una nilang salpukan noong Sept.13. Kung magawang talunin ng mga Pinoy ang Iranians ay magtatabla sila sa 6-4 kartada para sa ikalawang puwesto.

Ngunit kung matalo ang mga Pinoy at manaig ang Kazakhs kontra Japanese five, makakandado ang tatlo sa three-way tie na may 5-5 kartada sa pagtatapos ng fifth window.

Ito ang nais iwasan ni coach Yeng Guiao dahil kung matalong muli, posibleng bumagsak pa ang Pilipinas sa fifth spot bago ang huling window sa Feb.2019.

Top three teams lang sa bawat grupo ang makasisiguro ng tiket sa World Cup habang ang fourth seed na may pinakamagandang record sa magkabilang bracket ang ookupa sa pangpitong silya.

Awtomatiko namang napasakamay ng China ang panghuling silya bilang ito ang host country para kumpletuhin ang walong bansang kalahok mula Asya.

Papalitan ni 6-foot-7 forward Filipino-German Christian Standhardinger si Stanley Pringle bilang naturalized player ng bansa para ipantapat sa mga higante ng Iran.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mar Roxas’ things to do: Learn, work and love some more

LEARN some more, work some more, love some more. Ito ang mga bagay na nais...

Pinoy app sagot sa #parkingproblems

Aside from the usual heavy traffic na problema palagi, masakit din sa ulo ang humanap...

A 24-year old’s life-long battle with hair loss: Bald is beautiful

A woman’s hair is her crowning glory, but what if mayroon kang hair loss since...

Pinay mountaineer wears red Filipiniana at Everest base camp

It takes a ton of courage and immense physical and mental conditioning to conquer Mt....

Road courtesy, ethics: Life over property

SA kalye, dapat life over property. Palagi ko na lang nadidinig ang reklamo mula sa...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Irasshaimase to Onigiriya

Text by Djan Magbanua Photos by Pau Geluz MANILA is a simmering pot of culture....

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...