Column

Pineapple, banana workers hirap din

By: - 12/03/2018

Kung nagrereklamo ka sa complicated na buhay workforce dito sa Metro Manila, hindi ka nag-iisa. Naghihirap din ang mga manggagawang nasa kanayunan o rural agricultural workers kagaya ng nasa banana and pineapple na ini-export natin sa ibang bansa at binibili natin dito.

Nagka-chance akong makipag-usap sa kanila a few days ago sa Mindanao. Laganap din sa kanila ang hindi binabayaran ng standard na minimum pay, social protection insurance kagaya ng SSS, Pag-ibig at Philhealth.

Napakadami nila na walang security of tenure o hindi regular worker. Karamihan sa kanila
ay mga “endo”, 555 at contractual workers na nakabilang sa isang malaking manpower cooperatives.

Ang mga kooperatiba na ito ang tumatayong “endo” middlemen na nagsu-supply ng mga workers sa mga mayayaman
na pineapple at banana businessmen.

Bilang miyembro ng cooperative, sila ay kinakaltasan kada buwan ng social insurance at investment umano sa samahan. But in reality, ginigisa sila sa sarili nilang mantika by being given a substandard salary
at hindi binigyan ng kanilang dividendo bilang kita ng cooperative.

Exposed din sila sa mga chemical at fertilizer dahil hindi sila binibigyan ng mga personal protective equipment (PPE). Kung meron man, substandard yung mga PPEs na binigay sa kanila.

Hindi sila makapagtayo ng unyon dahil tinatakot sila ng cooperatives at may-ari ng mga negosyante namawalan ng trabaho kapag sumali. Dahil martial law ngayon sa buong Mindanao, lalo silang nahihirapan.

Dahil malayo sila sa siyudad, hindi sila napapasyalan ng gobyerno at tugunan ang mga problema at pang-aapi sa kanila.

Exposed din sila sa mga pang-abuso ng mga Muslim & communist rebels at skirmish ng ga ito sa military & police. Bago mo kainin yang saging at pinya mo, isipan mo kalagayan nila!

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Sidewalk vendors: Dapat bang kaawaan o kainisan?

MAKAILANG ulit kong napanood sa Facebook page ng MMDA kung papaano magdahilan ang mga Pilipino...

8 stress relievers according to Kris Aquino

KRIS Aquino, the queen of social media, has a few things to say about beating...

VIRAL: Test paper ng Grade 2 ‘disturbing’, may tanong tungkol sa EJK, abusadong pulis

Bothered ang isang netizen nang i-post niya ang nakita niyang mga tanong sa exam ng...

Bilyon-bilyong pisong road users tax, anong silbi sa ‘yo?

KAMAKAILAN ay binuwag ng Malakanang ang tinaguriang Road Board dahil nagiging “milking cow” umano ito...

ARMY speaks: 12 reasons (or more) why BTS is today’s best boy band

BTS has proven a lot of things.  One of these was when they cracked the...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...