Showbiz

Let’s Dance

By: - 12/03/2018

Boy/girl groups are not a new invention. Beatles and the Supremes noong 1960s are considered as such. Noong 80s, 90s and the naughts ay nagkalat din ang mga ganoong grupo.
Maging ang nga dance groups ay sampu-sampera rin noon. They come out on TV para i-promote ang mga singles ng kani-kanilang mga recording companies. Kaya naman sikat noon ang WEA Dancers, Octoarts Dancers, Vicor Dancers, etc.
For the less ancient readers, narito ang ilan sa mga dance groups na minahal ng masa from the not-too distant past to the present.

Manoeuvres
Nagsimula sila as WEA Dynamics noong 1985 until they changed it to Manoeuvres in 1989. Nakilala sila sa kanilang pose-and-lock dance moves na kinagiliwan ng kanilang Pinoy fans. Lalo silang sumikat nang gawin silang background dancers ng mga OPM superstars like Gary Valenciano, Sharon Cuneta, Regine Velasquez, Jaya, Side A, Pops Fernandez and Martin Nievera, sa kanilang mga concerts.

Universal Motion Dancers
Sumikat ang all-male dance group na ito nang maging regular sila sa That’s Entertainment noong 1990s. Ang choreographer ng grupo ay walang iba kung hindi si Geleen Eugenio, a member of WEA Dancers. Pinasikat nila ang “Butterfly” dance step para sa “Always” ng Erasure at iba pang choreo para sa “Dying Inside” at “Short Short Man.”
Si Wowie de Guzman ang pinakaprominente nilang miyembro.

Streetboys
Nilaos ng Streetboys sa kanilang mga death-defying moves ang pa-cute na choreo ng UMD. It also helped na mas maraming gwapo sa grupo nila like Spencer Reyes and Danillo Barrios. Sila ang pioneer dance group ng longest-running Sunday variety show ASAP, ng ABS-CBN pero once a week noon ay mapapanood sila sa Eat Bulaga ng GMA 7. Two of the most popular members of the group ay sina Vhong Navarro at Jhong Hilario na kapwa mainstays ng noontime show na It’s Showtime.

Abztract Dancers
Sa grupong ito nag-start si Dingdong Dantes at ang mga artista ring sina Arthur Solinap, Dino Guevarra at Sherwin Ordonez. Noong 90s ay they gave the UMD and Streetboys tough competition dahil dagsa rin ang fans nila kapag umaapir sila sa That’s Entertainment and Eat Bulaga.

SexBomb Girls
Sino ba namang hindi napa-“get, get, aww!” sa all-female group na SexBomb? They are known as “The Best-Selling Philippine Female Group of All Time” lang naman. Sila na yata ang most successful girl group sa Pilipinas up to this date dahil na rin sa kanilang iconic songs and drama series na Daisy Siete. Maging sa movies ay nakita nating umarte’t umindak ang girls ng SexBomb like Rochelle Pangilinan, Jopay Paguia, Aira Bermudez, Evette Pabalan, Sunshine Garcia, Izzy Trazona, Mia Pangyarihan, at Weng Ibarra. Ilan sa mga pinasikat na dance craze ng grupo ang “Spagheti Song”, “Bakit Papa?”, “Halukay Ube”, at “Sumayaw, Sumunod.”

VIVA Hot Babes
Controversial man kung maituturing, pasok din sa ating list ang VIVA Hot babes na nagpasikat ng mga kantang “Bulaklak,” “Sayaw, kikay,” at “Basketbol.” Pang-mature ang audience ng grupo dahil sa mga double entendres nilang mga kanta pero that didn’t stop kids from singing and dancing with thei tunes.
Ilan sa mga famous members ng group sina Katya Santos, Maui Taylor, Sheree, Gwen Garci, at Andrea del Rosario.

Hashtag
Sinusundan ng mga millennials, hindi lang ang kanilang mga galaw, kundi maging ang kanilang mga mall shows, guestings, pati na rin ang style sa pananamit. No doubt na isa ang Hashtag sa mga dance groups na forever kakikiligan ng masa. Ipinakilala sila noong sa Gandang Gabi Vice with 11 original members. Dahil sa kasikatan ng group, nadagdagan pa at lalo pang lumaki ang fanbase ng Hashtag. They debut with the single #Hashtag (Show Me) na araw-araw mong maririnig sa radio when it was released. Nasundan naman ito ng hits like Bomba, Game na, at Road Trip. Currently ang Hashtag ay may 16 members kabilang sina McCoy de Leon, Zeus Collins, Ronnie Alonte, Jimboy Martin, Jameson Blake, Nikko Natividad, Ryle Paolo Santiago, Paulo Angeles, Luke Conde, Tom Doromal, Maru Delgado, Rayt Carreon, Vitto Marquez, Wilbert Ross, Charles Kieron, at Kid Yambao.

—Janvin Bru

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

It’s a miracle: Bata biglang nabuhay sa nasusunog na bahay

ITINUTURING na isang malaking himala ang pagkakaligtas ng 4-taon na batang babae na diumano’y nakulong...

Applying for a driver’s license? Here’s how

  ARE you planning to get a driver’s license so you can drive your brand...

7 Valentine’s date ideas around Metro Manila

VALENTINE’S is just around the corner, and we know many of you are planning on...

Depression, suicide: Hindi dapat balewalain

SUICIDE ang nakikitang solusyon ng ilang tao para matakasan ang kinakaharap na problema. Isa sa...

Ikaw na maging pusa na may apartment na $1,500 renta kada buwan

SAN JOSE, California (AP) — Dalawang pusa ang nakatira sa isang studio apartment na nirerentahan...

Where to go when in Kapitolyo

KAPITOLYO in Pasig City has always been interesting, especially kung mahilig ka mag food trip....

9 pagkain na babalik-balikan tuwing Simbang Gabi

AMININ, bukod sa pakikinig sa sermon ng pari na siya namang dapat na pangunahing layunin...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...