Balita

13th month pay dapat cash, hindi pwedeng grocery at GC

By: - 12/04/2018

MAAARI umanong kasuhan ang mga kompanya na hindi magbibigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado bago ang araw ng Pasko.

Ayon sa Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines mas mapalalaki pa ang gastos ng mga employer na hindi magbibigay sa oras ng 13th month pay sa o bago ang Disyembre 24.

“Employers and business owners in Luzon, Visayas and Mindanao have only up to December 24, 2018 to give the mandatory 13th month pay bonus to their employees. Those who failed to do so would suffer embarrassment and would have to pay more. We rather urge our bosses to give the thirteenth to their employees because it is mandated by law,” ani ALU-TUCP spokesperson Alan Tanjusay.

Sa ilalim ng Presidential Decree 851 o Thirteenth Month Pay Law na naging epektibo noong Disyembre 1975, maaaring hatiin ang 13th month pay kung payag dito ang mga empleyado. Ibibigay ang kalahati ng Hunyo at ang nalalabi sa Disyembre.

“Ang 13th month pay ay mandatory at dapat ibigay ng cash. Hindi pwede ang grocery items, rice, gadget o gift cheques because 13th month bonus is different from Christmas bonus. Christmas bonus can be cash or grocery items and is not mandatory—it is discretionary on the part of employers. 13th month pay, on other hand, is mandatory and compulsory,” giit ni Tanjusay. “The13th month pay is mandatory and Christmas bonus is discretionary and good will.”

Ang mga empleyado na wala pang isang taon sa trabaho, pero mahigit isang buwan na, ay makatatanggap din ng bahagi ng 13th month pay.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Mar Roxas’ things to do: Learn, work and love some more

LEARN some more, work some more, love some more. Ito ang mga bagay na nais...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...