Balita

Bong Revilla not guilty-Sandiganbayan

By: - 12/07/2018

IDINEKLARANG inosente ng Sandiganbayan First Division si dating Sen. Ramon Bong Revilla Jr., sa kasong plunder kaugnay ng pork barrel fund scam.

Samantala, guilty ang hatol ng korte sa mga kapwa akusado niya na si Atty. Richard Cambe, ang dating chief of staff ng senador, at Janet Lim Napoles ang umano’y pork barrel fund scam queen.

Apat na taong nakulong si Revilla at inaasahan na ang kanyang paglaya.

Matatandaang kinasuhan si Revilla ng plunder dahil sa pagtanggap ng P224.5 milyong kickback mula sa mga bogus na non government organization ni Napoles. Mariin itong itinanggi ni Revilla.

Naglabas ng warrant of arrest ang korte laban kay Revilla noong Hunyo 2014. Agad naman itong sumuko at nakulong sa Philippine National Police Custodial Center. 

Hindi siya naghain ng plea ng basahan ng sakdal at dumulog sa Korte Suprema.

Hindi pinagbigyan ng Sandiganbayan ang kanyang mosyon na makapaghain ng piyansa upang makalaya at ibinasura rin ng SC ang kanyang petisyon na ibasura ang kaso.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Sidewalk vendors: Dapat bang kaawaan o kainisan?

MAKAILANG ulit kong napanood sa Facebook page ng MMDA kung papaano magdahilan ang mga Pilipino...

8 stress relievers according to Kris Aquino

KRIS Aquino, the queen of social media, has a few things to say about beating...

VIRAL: Test paper ng Grade 2 ‘disturbing’, may tanong tungkol sa EJK, abusadong pulis

Bothered ang isang netizen nang i-post niya ang nakita niyang mga tanong sa exam ng...

Bilyon-bilyong pisong road users tax, anong silbi sa ‘yo?

KAMAKAILAN ay binuwag ng Malakanang ang tinaguriang Road Board dahil nagiging “milking cow” umano ito...

ARMY speaks: 12 reasons (or more) why BTS is today’s best boy band

BTS has proven a lot of things.  One of these was when they cracked the...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...