Balita

Branded o generic na gamot parehong nakakagaling- Doc Willie Ong

By: - 12/07/2018

BRANDED ba o generic na gamot?

Kung si Dr. Willie Ong ang tatanungin mas makabubuting bumili ng generic na gamot kung mangangahulugan na maiinom ng araw-araw ang iniresitang gamot.

“Kung may pera kayo pwede kayo bumili ng branded pero kung kulang ang budget nyo okay na sa akin ang generic. Kasi mas makakatulong sa iyo yung generic na araw-araw mong iniinom kesa magba-branded ka nga pero isang beses lang (maiinom),” ani Ong sa Tusok-Tusok series ng Bandera at Libre.

Para mas madaling maintindihan ikinumpara ni Ong ang gamot sa hotdog.

“Mas maganda ba yung pagkain sa isang hotel na hotdog o dito sa (Tusok-tusok cart), pareho ka namang mabubusog eh,” dagdag pa ni Ong.

Sinabi ni Ong na mayroong pag-aaral na nagsasabi na 10 porsyento na hindi mabisa ang ilang generic.

“Based on study may nagpapakita na 10 percent less effective. Kung 10 percent lang makakatulong na sa kababayan natin yung generic. Iba-iba hindi sa lahat.”

Ayon kay Ong ang gamot sa Pilipinas ay 10 beses na mas mahal kumpara sa ibang bansa.

Dapat umanong gastusan ng gobyerno ang Food and Drugs Administration upang masuri nito ang lahat ng pagkain at gamot na ibinebenta sa merkado upang hindi maloko ang publiko.

“Ang problema natin kasi yung FDA kulang ang budget para ma-check lahat ng gamot, kung maganda sana yung FDA natin at ma-test nila maigi yung pagkain, yung gamot pwede na generic lahat. Sa Amerika generic na lahat.”

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Sidewalk vendors: Dapat bang kaawaan o kainisan?

MAKAILANG ulit kong napanood sa Facebook page ng MMDA kung papaano magdahilan ang mga Pilipino...

8 stress relievers according to Kris Aquino

KRIS Aquino, the queen of social media, has a few things to say about beating...

VIRAL: Test paper ng Grade 2 ‘disturbing’, may tanong tungkol sa EJK, abusadong pulis

Bothered ang isang netizen nang i-post niya ang nakita niyang mga tanong sa exam ng...

Bilyon-bilyong pisong road users tax, anong silbi sa ‘yo?

KAMAKAILAN ay binuwag ng Malakanang ang tinaguriang Road Board dahil nagiging “milking cow” umano ito...

ARMY speaks: 12 reasons (or more) why BTS is today’s best boy band

BTS has proven a lot of things.  One of these was when they cracked the...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...