Round Trip

Handaang Pinoy tuwing Pasko

By: - 12/10/2018

ILANG araw na lang at Pasko na. By this time, many are getting busy sa kung anong ihahanda
pagdating ng big day.

Here is our list of food na sumisimbolo ng Paskong Pinoy:

1
Bibingka

Nobyembre pa lang ay bumibida na ang bibingka at nagpapahiwatig na parating na ang Pasko. Niluluto ito sa uling sa ilalim at ibabaw ng palayok na pinaglalagyan nito.
Marami ng bersyon meron ito ngayon.
But did you know na may pinakamatindi sa lahat na version ay yung matatagpuan mo sa Pateros — ang bibingkang abnoy kung saan pinalitan ang fresh eggs ng mga unfertilized duck eggs.

Where to buy: Outside every church during Simbang Gabi. Pwede mo din subukan ang Ferino’s Bibingka that serves a very old bibingka recipe since 1938. Meron silang walong branches around Metro Manila

2
Puto bumbong

Putong gawa sa loob ng bamboo tube ang literal na ibig sabihin ng puto bumbong. Isa ito sa number one na hinahanap tuwing Pasko.

Where to buy: Outside every church during Simbang Gabi. At kahit saan mang kalye ay meron din nito.

3
Leche Flan

May Spanish origins ang leche flan, pero hindi gaya ng original, ang Pinoy leche flan ay mas creamy at mas maraming itlog ang gamit sa paggawa. Pwedeng tawaging king of Filipino desserts dahil sa pagiging la-ging present nito sa halos lahat ng importanteng okasyon, lalo na ang Pasko.

Where to buy: Onyang’s Sweet Products ay isang maliit na store na matatagpuan sa 23 Narig St., sa Project 7, Quezon City na may leche flan na laging sold-out tuwing lumalapit na ang Pasko. Bukas sila ng 24/7 ngayong Christmas season.

4
Ham

Hindi raw kumpleto ang Noche Buena pag walang ham sa hapag. Kahit ano mang tatak niyan, mumurahin man o yayamanin na ham, kadalasan siya ang bida sa handaan.
Where to buy: One of the most famous Christmas hams is in Quiapo — ang Excelente Ham na nagbebenta ng bone-in at maging scrap na ham.

5
Fruit Cakes

Original na bersyon ng fruit cake ay gawa sa mga dried nuts at candied fruit na usually Ibi-nabad sa wine. Another version that needs no cooking ay ang paggamit ng graham crackers, whipped cream, gulaman and your choice of fruits bilang toppings.

Where to buy: Kahit saang grocery ay merong ibinebentang fruitcake based na rin sa afford ng bulsa. Pero iba pa rin ang fruitcake prepared ng mga pastry shops.

6
Keso de Bola

Originally sa The Netherlands galing ang kesong ito na mukhang higanteng mansanas dahil sa kulay pulang balot nito.
Nakabalot sa paraffin ang keso na ito para mas madaling iangkat at hindi agad mapanis. Masarap itong kapartner sa pagdating ng umaga ng Pasko kasabay ang pandesal.

Where to buy: Kahit saang grocery ay meron nito. May mura at meron din namang mahal na halos P1,000 ang
halaga ng isa.

7
Lechon/Lechon Manok

Kung ang ilan ay ham ang gustong bida sa Noche Buena, may ilan naman na idedebate na mas Pinoy na Pinoy ang paghahanda ng lechon (o lechon manok) sa hapag kainan.

Where to buy: La Loma pa rin dahil tabi-tabi lang ang mga litsunan dito.

8
Fruits

One healty offering tuwing Pasko ay ang basket of fruits na pampaalis ng umay sa mga matataba at mamantikang pagkain. Traditional na rin sa handaang Pinoy na meron kang 12 klaseng prutas sa hapag tuwing magbabagong taon.

Where to buy: Balintawak pa rin ang
bentahan ng mga murang prutas.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Mar Roxas’ things to do: Learn, work and love some more

LEARN some more, work some more, love some more. Ito ang mga bagay na nais...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...