Sports

Lebron, Wade: Friendship goals

12/19/2018

Unang pagtatagpo pa lang ng mga basketball superstars na sina Lebron James at Dwyane Wade 15 taon na ang nakararaan ay alam na nilang higit pa sa lukso ng dugo ang kanilang pagkakasundo.

Nag-aabang si Wade na matignan ng doktor habang nasa pre-draft workout, pumasok si LeBron sa kuwarto at mula noon ay higit pa sa magkapatid ang naging turingan nila.

Hanggang sa kanilang huling paghaharap sa regular-season game, parehong ipinakita ng mga alamat ng liga ang respeto at pagmamahal sa isa’t-isa.

Ating balikan ang nagdaang 16 na makulay na taon ni “King James” at “D-Wade” bilang magkakampi, magkalaban at higit sa lahat, magkaibigan sa loob ng hardcourt.


2003: Bata ngunit puno ng pa-ngarap, sabay na tinahak nina Wade at James ang mundo ng NBA. Si Wade ang 5th overall pick ng Miami Heat habang 1st overall pick si James ng Cleveland Cavaliers. Parehong napabilang sa NBA All-Rookie First Team ang mag-bestfriend sa kanilang rookie year.

2004: Bagito man sa international tour of duty, tinulungan nina James at Wade ang Team USA sa Olympic Games sa Athens para ibulsa ang tansong medalya.

2006: Muling nagsama ang magkaibigan para bitbitin ang bandera ng Estados Unidos sa Fiba World Cup sa Japan. Tansong medalya rin ang iniuwi ng
koponan.

2005-2016: Nagtambal rin sina James at Wade ng 12 beses sa Eastern All-Star selection para sa NBA All-Star Game. Lima rito ay kanilang napanalunan laban sa Western All-Stars.

2008: Rumesbak sina James at Wade apat na taon matapos ang kanilang breakthrough appearance sa US national team. Sinungkit nila ang gintong medalya sa Beijing Olympics kasama ang iba pang NBA stars gaya nina Kobe Bryant, Chris Paul, Jason Kidd at Carmelo Anthony.

2010-2014: Ito na marahil ang pinakamasaya at hindi malilimutang bahagi ng pagkakaibigan nina James at Wade sa NBA. Nagdesis-yon si James na lisanin ang Cavaliers para buuin ang “Big Three” ng Heat. Sa loob ng limang seasons ay nagsama sina James at Wade sa Miami. Katuwang si Chris Bosh, apat na sunod na biyahe sa NBA Finals (2011-2014) ang niratsada nina James, Wade at ng Heat. Pinagsaluhan nilang dalawa ang matamis na back-to-back championship noong 2012 at 2013 season.

2017-2018: Matapos muling magbalik Cleveland si James noong 2014 at umalis ng Miami si Wade noong 2016, nagtagpo ulit ang landas ng dalawa sa Cleveland. September 2017 nang pumirma si Wade sa Cavs ngunit tumagal lamang ng limang buwan ang kanilang pagsasama. Pebrero 2018 nang bumalik muli ng Miami si Wade at dito na siya magreretiro.

Dec. 10, 2018: Mahigpit na binantayan ni James- sa huling pagkakataon- sa mga huling segundo ng laro ang kanyang matalik na kaibigan. Hindi hinayaan ng Los Angeles Lakers forward na maipukol ng Miami Heat guard ang tres. Tinalo ng Lakers ang Heat, 108-105. Sinelyuhan ni James at Wade nang mahigpit na yakap ang pagtunog ng final buzzer. -Dennis Christian O. Hilanga

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Depression, suicide: Hindi dapat balewalain

SUICIDE ang nakikitang solusyon ng ilang tao para matakasan ang kinakaharap na problema. Isa sa...

Ikaw na maging pusa na may apartment na $1,500 renta kada buwan

SAN JOSE, California (AP) — Dalawang pusa ang nakatira sa isang studio apartment na nirerentahan...

ATTENTION MOTORISTS: Alamin pros and cons ng ‘No garage, no car bill’

Mukhang seryoso ang Senado sa panukalang ipagbawal ang pagbili ng kotse kung walang garaheng pagpaparadahan...

Health tip: An egg a day keeps the doctor away

HINDI lang apple kundi maging ang pagkain ng itlog kada araw will keep the doctor...

Kidnap victim muntik maipakain sa buwaya

  BRIDEPORT, Connecticut  — Isang tatlong talampakang buwaya ang ginamit ng isang lalaki para magbayad...

Where to go when in Kapitolyo

KAPITOLYO in Pasig City has always been interesting, especially kung mahilig ka mag food trip....

9 pagkain na babalik-balikan tuwing Simbang Gabi

AMININ, bukod sa pakikinig sa sermon ng pari na siya namang dapat na pangunahing layunin...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...