Sports

Aalis na kampeon si Anton

By: - 12/19/2018


Tulad ng matatalas na mga mata ng agila na nakatuon sa biktima, isa lang ang puntirya ni Anton Asistio sa huling taon ng paglalaro para sa Ateneo de Manila.

Ito ang lisanin ang pugad ng Blue Eagles bilang isang kampeon.

Sa harap ng hindi magkamayaw na dagat ng asul at puti sa loob ng makasaysayang Araneta Coliseum, matagumpay na naisakatuparan ni Asistio ang hangarin na bunga ng dugo’t pawis simula sa unang araw na inasam niya ang pagdating ng araw na ito.

Iginuhit ng graduating point guard ang sariling kasaysayan nang maging back-to-back champion sa kanyang collegiate career matapos na dagitin ng Blue Eagles ang UP Fighting Maroons sa Game 2 ng UAAP Season 81 men’s basketball finals.

Ibinuhos ng 23-year old team captain ang dedikasyon para tulungan ang Katipunan-based squad na sungkitin ang 10th overall crown sa liga.

Wala man kay Assistio ang direktang spotlight pagdating sa opensa, hindi naman matatawaran ang kanyang karakter bilang lider sa loob ng hardcourt lalo sa pagpapanatili ng kumpyansa ng Blue Eagles sa mga krusyal na tagpo gaya ng hindi birong Finals match-up kontra Fighting Maroons.

“There’s always pressure but because of my teammates medyo nawala ‘yun. In our system you rely on each other, it’s servanthood so it wasn’t really so much pressure on me. But you know, I have to set an example to my teammates and the next generation,” sabi ni Asistio sa awarding ceremonies.

Ito ang isang bagay na labis na hinahangaan ni coach Tab Baldwin at sa isang banda ay hahanap-hanapin ng American-Kiwi mentor sa pag-alis ng kanyang masigasig na guwardiya.

“We have a great example in Anton Asistio, our graduating senior. We just can’t ask for a better person and he’s also a very good basketball player. We’ll miss him next year,” sabi ni Baldwin.

NATUPAD NA PANGARAP

Ngunit hindi naging patag ang biyahe patungo rito.

Matapos na mabangko sa lineup ng Blue Eagles sa rookie at sophomore year (Season 76 at 77) kung saan umiskor lamang ng anim na puntos sa loob ng dalawang taon, nabigo naman siyang makalusot sa lineup sa Season 78.

Ginawang motibasyon ni Asistio ang pagkakalipat sa Team B at pinatunayan na mayroong ibubuga.

Pumutok para sa 45 puntos si Asistio sa title-clinching game laban sa Arellano sa 13th Fr.Martin Cup noong 2015 at doon ipinakita na karapat-dapat siyang makabalik sa Team A.

Salamat sa tiwala at pagsugal ni Baldwin na tumayong team consultant ng Ateneo sa Season 79, nahubog nang husto ang potensyal ni Asistio mula sa pagiging bench player hanggang sa maging starting five na ng Blue Eagles.

Masuwerte kung maituturing si Asistio dahil hindi lahat ng magtatapos ng kanilang playing years sa UAAP ay magwawagi ng dalawang sunod na kampeonato o makasikwat man lang kahit isang titulo.

Pero hindi suwerte kundi sipag, tiyaga at determinasyon ang mga salitang maglalarawan sa kahanga-hangang paglalakbay na ito ng dating Blue Eaglet.

“Parang ito yung dream ko talaga ever since I was a kid and to achieve that, you know, everything I’ve been through it just mean so much,” sabi ni Asistio.

Sa halip na palibutan ng lungkot, hindi maipintang kasiyahan ang nabanaag sa mukha ni Asistio habang sukbit sa leeg ang net na simbolo ng isang tagumpay na misyon.

At imbes na luha ay ngiting abot hanggang tenga ang ginawang paraan ni Asistio para magpaalam at magpasalamat sa UAAP- ang ligang nagpatatag sa kanyang pagiging atleta.

“Mixed emotions, I’m both happy kasi back-to-back kami pero sad because I’m going to leave the UAAP na. Pero you know, there’s no time to stay in the past, I’m looking forward.”

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Mar Roxas’ things to do: Learn, work and love some more

LEARN some more, work some more, love some more. Ito ang mga bagay na nais...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...