Food

9 pagkain na babalik-balikan tuwing Simbang Gabi

By: - 12/23/2018

AMININ, bukod sa pakikinig sa sermon ng pari na siya namang dapat na pangunahing layunin ng pagsisimba, inaabangan din ang mga pagkain na itinitinda sa tabi ng mga simbahan.

Dahil marami na ang sawa sa mga unhealthy na fast food, maraming Pinoy ang nag-aabang ng mga tindang kakanin na madalang na nilang matikman.  Siyam na gabi o madalaing araw din lang ang Simbang gabi kaya sinasamantala na nila ang pagkakataon na makakain ng mga ito.

Dahil dalawang gabi na lang bago ang Pasko at magwakas ang Simbang Gabi, narito ang listahan ng mga pagkain na dapat mong matikman pagkatapos magsimba.

1.  Puto Bumbong

Pinipilahan ang puto bumbong—yung kulay violet na malagkit na nilagyan ng mantikilya at madalas ay nakabalot sa dahon ng saging. Mas masarap kung bubudburan ng niyog at mascuvado o brown sugar.

Masarap ito kung mainit pa kaya madalas bago makarating sa bahay ay ubos na.

2. Bibingka

Ang puto bibingka ay niluluto sa pamamagitan ng baga sa ilalim at ibabaw. Gawa ito sa giniling na bigas at masarap kung mayroong keso sa ibabaw.

Pwede rin itong lagyan ng butter, itlog na pula at niyog depende sa iyong panlasa.

3. Puto

May mga tao naman na solved na sa putong puti. Madalas ito ay hugis bilog at nakasalansan sa plastik.
Ipabukod mo nang paglagyan ang niyog para hindi agad na mapanis kung hindi mo naman kakainin kaagad.

4. Kutsinta

Kapag nariyan ang puto, syempre may kutsinta.
Madalas ay kasing laki ito ng puto at kulay orange dahil sa inilalagay na lihiya. Mas malagkit din ito kaysa sa puto.

5. Suman

Pwede ba namang mawala ang suman. Minsan nakabalot ng dahon ng saging, pwede rin namang dahon ng niyog.
Iba’t iba ang suman, merong lihiya, gata, kamote at kung anu-ano pang variation.

6. Tsokolate

Kapag malamig masarap humigop ng kape, pero para maiba subukan ang tablea.

Ang tablea ay purong cacao na lulutuin sa kumukulong tubig.

May dalawang uri nito, ang Tsokolate Eh na malapot na tsokolate at ang Tsokolate Ah na mas malabnaw.

7. Lugaw

Masarap ang lugaw kung mainit-init pa. Tiyempong-tiyempo sa maaliwalas at malamig na panahon pagkalabas ng simbahan.  Usually plain lang ang lugaw, ang iba, mas gusto na nilalagyan ito ng nilagang itlog at sinasamahan ng tokwa’t baboy.  Yummier kung maraming bawang.  Others would go for goto — yung may ox tripe, o kaya ay arrozcaldo na manok na man ang lahok.

8. Taho

Huwag nating kalimutan si mamang taho. May mga tao na ginagawa itong pamalit sa kape. Gawa sa soya na nilagyan ng taho at arnibal.

Kapag hindi nakaubos si manong magiging tofu o tokwa ang kanyang tinda.

9. Kape

At siyempre pa, kape, kesehodang mamahaling kape yan o three in one.  Kadalasan ang kape ang kapartner ng masasarap na kakanin.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Mar Roxas’ things to do: Learn, work and love some more

LEARN some more, work some more, love some more. Ito ang mga bagay na nais...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Irasshaimase to Onigiriya

Text by Djan Magbanua Photos by Pau Geluz MANILA is a simmering pot of culture....

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...