Balita

Mga lalahok sa Sinulog Festival bawal na mag-selfie

01/09/2019

PANATILIING sagrado ang selebrasyon.

Ito ang paalala ng mga pari ng Basilica Minore del Santo Niño sa mga deboto sa harap naman ng pagsisimula ng 454th Fiesta Señor (Feast of Señor Santo Niño) sa pamamagitan ng isang prusisyon sa madaling araw.

Nanawagan din ang mga pari sa mga dadalo sa kapistahan na wag magdadala ng backpack, iwasanag magsuot ng mga alahas, at iwasan ang pagse-selfie, lalu kapag nagsasagawa ng misa.

“They should also follow instructions and signages to ensure an orderly celebration,” ayon pa sa paalala ng mga pari.

Mas kilala bilang Sinulog Festival, ipinagdiriwang ang kapistahan sa pamamagitan ng serye ng mga aktibidad sa basilica sa Enero, 20, sa ikatlong Linggo ng Enero, gayundin ang katulad ng mardi gras na dance parade sa Cebu City.

“We come here (basilica) to attend Mass and not to fight with one another just to get inside the churchyard. Let us discipline ourselves. If we’re told that we could no longer get inside the basilica complex, then let us obey,” sabi Fr. Pacifico Nohara Jr., OSA, rector ng simbahan.

Magsisimula ang Fiesta Señor ganap na alas-4 ng umaga ng Huwebes sa pamamgitan ng taunang “Walk with Jesus,” isang 2-kilometrong prusisyon mula sa Fuente Osmeña papuntang basilica.

Pangungunahan ni Nohara ang unang novena Mass ganap na alas-5:30 ng umaga sa labas ng Pilgrim Center.

Tinatayang 400 pulis ang ipinakalat sa mga rutang daraanan ng prusisyon para matiyak ang kaligtasan ng mga deboto.

“Another 180 policemen would be stationed at the basilica,” sabi ni Senior Supt. Royina Garma, Cebu City police director.

Maliban sa Enero 10 at Enero 18, kung saan magkakaroon ng prusisyon ng madaling araw, 11 misa ang isasagawa sa Pilgrim Center araw-araw hanggang sa pagsapit ng pista ng Santo Niño.

Gaya ng nakalipas na walong taon, bawal din ang mga lobo sa palibot ng basilica complex at maging sa mga parada at prusisyon.

Sinabi ni Fr. Aladdin Luzon, OSA, head ng Fiesta Señor 2019 peace and order committee, na ipapatupad nila ang ban kontra lobo sa harap naman ng panawagan ng mga environmental group ito ay ipagbawal dahil mapupunta ang mga ito sa dagat.

Idinagdag ng mga opisyal ng simbahan na bawal din ang mga paputok, alak, babasaging bote at maingay na mga speaker sa palibot ng basilica.

Hindi rin magsasagawa ng fireworks display sa bisperas ng Fiesta Señor, ayon sa mga pari.
Sinabi ni Nohara na gagamitin na lamang ang perang matitipid bilang donasyon para sa mga mahihirap.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Mar Roxas’ things to do: Learn, work and love some more

LEARN some more, work some more, love some more. Ito ang mga bagay na nais...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...