Balita

Traslacion ‘generally peaceful’ – NCRPO

By: - 01/10/2019

IDINEKLARANG “generally peaceful” ng pulisya ang traslacion, o prusisyon, ng Itim na Nazareno at sinabing naging mas maayos ito ngayon, kumpara sa mga nakaraang taon.

“No untoward incident tayo, wala tayong casualties except meron tayong 740 devotees who got minor injuries and were provided medical assistance. Basically, generally peaceful tayo,” sabi ni National Capital Region Police Office chief Dir. Guillermo Eleazar.

“Based on our assessment, it’s better now than before… but gusto pa natin mas pagandahin pa for traslacion 2020.”

Kabilang sa mga gusto pang pag-ibayuhin ng pulisya ang pagpapababa sa bilang ng mga nasasaktan, ani Eleazar.

Dumating ang “andas” na may dala sa imahe ng Nazareno sa Quiapo church dakong alas-2:08 ng umaga Huwebes, matapos ang 21 oras at 7 minutong pagtahak sa 6.15-kilometrong ruta nito. Bahagyang mas mabilis ito kaysa sa mahigit 22 oras na prusisyon noong 2017.

“We are not really concerned about the travel time, kasi our consideration is ang pagiging tahimik at maayos. They (devotees) owned this activity. Naging maayos dahil lahat ng concerned agencies ay ginawa nila ang kanilang mga assignments,” ani Eleazar.

Sa huling tala ng NCRPO, sinasabing umabot sa 4 milyon ang kabuuang nakilahok sa pista ng Itim na Nazareno. Umabot sa 1.5 milyon ang dumalo sa mga aktibidad mula Disyembre 31 hanggang Enero 8, habang 2.5 milyon naman ang naitala sa traslacion na nagsimula Miyerkules ng umaga. 

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Mar Roxas’ things to do: Learn, work and love some more

LEARN some more, work some more, love some more. Ito ang mga bagay na nais...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...