Balita

Work from home batas na

01/10/2019

PINIRMAHAN na ni Pangulong Duterte bilang ganap na batas ang Republic Act 11165 o Act Institutionalizing Telecommuting As An Alternative Work Arrangement For Employees in the Private Sector.

Nilagdaan ni Duterte ang RA 11165 noong Disyembre 20, 2018.

Sa ilalim ng section 4 ng RA 11165, maaaring mag-alok ang isang employer sa pribadong sektor ng telecommuting program sa kanyang mga empleyado, bagamat ito’y magiging boluntaryo lamang.

Base sa section 8 ng RA 11165, inaatasan ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magtayo ng telecommuting pilot program sa loob ng tatlong taon.

Ang telecommuting ay ang flexible work arrangement kung saan maaaring magtrabaho sa ibang lugar, gaya ng bahay, ang isang employee sa halip na pumasok sa opisina, gamit ang telecommunication o computer technology.

Nauna nang sinabi ni Quezon City Rep. Alfred Vargas, isa sa may akda ng panukala, umaabot sa 1,000 oras kada taon ang nasasayang sa bawat tao dahil sa trapik.

Sa pag-aaral ng Japan International Coordination Agency umaabot sa P2.4 bilyon kada araw ang nasasayang sa Pilipinas dahil sa trapik.

Bagamat gumagawa na ng paraan ang gobyerno upang maibsan ang trapik, sinabi ni Vargas na mayroong mga hakbang na maaaring gawin ang mga pribadong kompanya upang matulungan ang kanilang mga empleyado.

Bukod sa magagamit ang oras na natipid dahil sa hindi pagbiyahe, makatutulong din umano ito upang makalayo ang empleyado sa polusyon na may masamang epekto sa kalusugan.

“It also boosts employees’ morale and cuts their stress, thus leading to their increase in work productivity,” ani Vargas.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Depression, suicide: Hindi dapat balewalain

SUICIDE ang nakikitang solusyon ng ilang tao para matakasan ang kinakaharap na problema. Isa sa...

Ikaw na maging pusa na may apartment na $1,500 renta kada buwan

SAN JOSE, California (AP) — Dalawang pusa ang nakatira sa isang studio apartment na nirerentahan...

ATTENTION MOTORISTS: Alamin pros and cons ng ‘No garage, no car bill’

Mukhang seryoso ang Senado sa panukalang ipagbawal ang pagbili ng kotse kung walang garaheng pagpaparadahan...

Health tip: An egg a day keeps the doctor away

HINDI lang apple kundi maging ang pagkain ng itlog kada araw will keep the doctor...

Kidnap victim muntik maipakain sa buwaya

  BRIDEPORT, Connecticut  — Isang tatlong talampakang buwaya ang ginamit ng isang lalaki para magbayad...

Where to go when in Kapitolyo

KAPITOLYO in Pasig City has always been interesting, especially kung mahilig ka mag food trip....

9 pagkain na babalik-balikan tuwing Simbang Gabi

AMININ, bukod sa pakikinig sa sermon ng pari na siya namang dapat na pangunahing layunin...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...