Balita

Health tip: An egg a day keeps the doctor away

By: - 01/13/2019

HINDI lang apple kundi maging ang pagkain ng itlog kada araw will keep the doctor away.

Iyan ay base na rin sa pag-aaral na isinagawa sa Europe.  Ayon dito, nakakatulong umano ang pagkain ng itlog araw-araw para makaiwas sa type 2 diabetes.

Pinag-aralan ng mga mananaliksik sa University of Eastern Finland, ang 239 blood serum samples ng mga lumahok sa Kuopio Ischaemic Heart Disease Risk Factor Study.

Hinati sa apat na grupo ang mga dugo—ang mga kumakain ng itlog araw-araw; kumakain ng dalawang itlog kada linggo; ang mga kumakain ng itlog na nagkaroon ng type 2 diabetes; at ang mga hindi pa nagkakaroon ng diabetes.

Tumagal ng 19.3 taon ang pag-aaral sa mga kalahok.

Ayon sa resulta na nailathala sa Molecular Nutrition and Food Research ang mga lalaki na kumakain ng itlog araw-araw ay mas mababa ang tyansa na magkaroon ng type 2 diabetes. Iniuugnay ito sa lipid molecule ng itlog.

Natukoy rin sa pag-aaral na ang mataas na lebel ng amino acid tyrosine sa dugo ay nagpapataas ng tyansa na magkaroon ng type 2 diabetes.

Kaya lang mayroong mga naunang pag-aaral na kailangang bawasan ang pagkain ng itlog dahil nagpapataas ito ng cholesterol.

Isang pag-aaral naman ang nagsasabi na kailangan ng katawan ang itlog dahil sa taglay nitong nutrients na mahalaga upang maging malusog ang katawan.

Magsasagawa pa ng mga pag-aaral upang matukoy kung anong component ng itlog ang nakakatulong sa pagpapababa ng tyansa na magkaroon ng type 2 diabetes. – Leifbilly Begas

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Mar Roxas’ things to do: Learn, work and love some more

LEARN some more, work some more, love some more. Ito ang mga bagay na nais...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...