Feature

Depression, suicide: Hindi dapat balewalain

By: - 01/18/2019

SUICIDE ang nakikitang solusyon ng ilang tao para matakasan ang kinakaharap na problema.

Isa sa iniisip ng mga nagpapakamatay, tulong ito sa kanilang pamilya para hindi na sila makadagdag pa ng problema. Ganito ang maraming kaso ng mga may malubhang karamdaman na nagsu-suicide.

Pero sa pamilyang naiwan, lumilikha ito ng karagdagang problema hindi lang sa usapin ng emosyon.
Sa ulat ng World Health Organization noong 2012, ang Pilipinas ay ika-150 sa 170 bansa na may pinakamaraming bilang ng suicide cases.

Malayo man sa top 10, hindi nangangahulugan na hindi ito dapat pansinin.

May tinatayang 2,558 self-inflicted death sa bansa noong 2012 (550 babae at 2008 lalaki) o 2.9 kada 100,000 populasyon.

Sa buong mundo ay umaabot sa 800,000 ang nagpapakamatay taon-taon o isa kada 40 segundo, ayon sa WHO. Noong 2015, ang pagpapakamatay ang ika-17 sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay ng tao.
Sa pag-aaral noong 2013, lumabas na ang age bracket na 20-24 ang may pinakamataas na kaso ng pagpapatiwakal.

Sa bukod na pag-aaral ng Department of Health noong 2007, 15 sa 900 teenager ang nagtangkang wakasan ang kanilang buhay.

Hindi lang mahihirap ang nagpapakamatay. Kahit na ang mga sikat at mayayaman ay nakapag-iisip ding magpakamatay. Hindi lang naman kasi ang mga mahihirap ang may problema na dahilan ng depresyon nito.

Taong 2011 ay maraming high profile cases ng pagpapakamatay na naitala ang DoH.

Pinakahuli nga nito ay ang drummer ng Razorback na si Brian Velasco na ibinidyo pa ang sariling suicide.  Ang kilalang American fashion designer na si Kate Spade at American author and television personality Anthony Bourdain ay nagkitil din noong isang taon.

Noong Pebrero 2011 nagulantang ang bansa dahil sa pagbaril sa sarili ni Angelo Reyes, dating chief of staff ng Armed Forces na humawak din ng posisyon sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa ilalim ng Arroyo government.

Nagpakamatay naman sa pamamagitan ng mga pagbibigti ang assistant chief legal counsel ng Development Bank of the Philippines na si Benjamin Pinpin noong Agosto 2011.

Tumalon naman sa ika-31 palapag ng hotel sa Muntinlupa noong Oktobre 27, 2011 ang 20-anyos na apo ni dating Vice President Teofisto Guingona Jr.

Problema

Ayon kay Dr. Sheila Marie Hocson, direktor ng Guidance and Counseling ng Far Eastern University, isang seryosong usapin ang pagpapakamatay pero hindi ito gaanong nabibigyan ng pansin.

Aniya, ang pagpapakamatay ay naiisip ng mga tao na wala ng nakikitang pag-asa sa buhay. Kapag naramdaman niya na wala na siyang kuwenta, na wala na siyang halaga at hindi na niya kayang gawin ang mga bagay na dapat niyang gawin, nade-depress ito at maaaring siyang mag-udyok para magpakamatay.

Iba’t iba ang maaaring panggalingan ng depresyon. Maaaring problema sa love life, pera, trabaho, pagkapahiya, mababang grades at posible rin na mayroon itong namanang hormone sa mga magulang kaya madaling ma-depressed.

Hindi rin naman umano lahat ng tao na sinasaktan ang sarili ay suicidal. Meron lang umano talagang mga tao na gustong sinasaktan ang sarili para maramdaman ang sakit at kung gaano kataas ang kanilang tolerance sa pain.

“Yung iba talaga, lalo na sa mga kabataan, merong mga sinasaktan ang kanilang sarili para lang mapansin. Hindi talaga magpakamatay ang intensyon,” ani Hocson.

Depression

Ang depression ay isang extreme complex disease, ayon sa WebMD.  Walang nakakaalam ng eksaktong ugat nito, ngunit nangyayari ito dahil sa iba’t ibang kadahilanan.

Ito ay tumatagal ng buwan o maging taon.

Kadalasan, ang taong depressed ay nag-iiba ang hitsura. Hindi na naliligo, hindi nagsusuklay at hindi nagpapalit ng damit. Ang iba naman ay tulog lang ang pahinga sa pag-inom ng alak. Meron din naman na ayaw makakita ng tao kaya nagkukulong sa kuwarto at ayaw man lamang kumain.

Kapag nagpatuloy ang depresyon, dito na maaaring sumagi sa isip ng isang tao ang pagpapatiwakal.

Help
Noong Setyembre 2016, inilungsad naman ng DoH ang kanilang HopeLine project para sa mga taong nawawalan ng pag-asa. Inilungsad ito bilang tugon sa tumataas na bilang ng mga nagpapakamatay sa bansa.

Katuwang ng DOH dito ang Natasha Goulbourn Foundation at Globe Communications. Itinaon ang paglulungsad nito sa World Suicide Prevention Day na tuwing Setyembre 10.

Ang mga nais na humingi ng tulong ay maaring tumawag sa (02) 805-HOPE (4673); 0917 558 HOPE (4673) at 2919.      Maaari ring tumawag sa national assistance number na 8888 at magpa-connect sa Hopeline.

Ang mga tumatawag ay ikokonekta ng operator sa mga psychiatrist o psychologist na sanay humawak sa mga ganitong kaso.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Mar Roxas’ things to do: Learn, work and love some more

LEARN some more, work some more, love some more. Ito ang mga bagay na nais...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...