Round Trip

Di ka magsisisi sa sisig

By: - 01/28/2019

Sisig na yata ang pinaka well-known pulutan, if not sa buong Pilipinas, ay baka dito sa Metro Manila at buong Luzon.
Narito na kasi halos lahat ng hinahanap ng nananakam tuwing may inuman: maanghang, inihaw at mainit.
And minsan hindi lang ito bet sa inuman, bet na bet din ito bilang ulam.
And did you know na bukod sa puno ito ng sarap, ay puno rin ito ng kasaysayan?
Unang naitala ang sisig noong 1732 ng isang pari sa librong Vocabulary of the Kapampangan Language in Spanish and Dictionary of the Spanish Language in Kapampangan. Doon inilarawan ang sisig bilang isang klase ng salad na gawa sa green papaya o guava na hinaluan ng asin, paminta, garlic at suka.

Mula sa prutas at gulay, nag evolve naman ang sisig sa pag-gamit ng mga di kadalasang kaining parte ng baboy gaya ng pisngi at tenga. Dinagdag pa rito ang pagserve nito sa sizzling plate (dahil napansin noon na madaling magkasebo ang ganitong pagkain) at mas lalong naengganyo ang mga tao sa pagkain.

We took a survey around the Metro kung ano nga ba ang top sisigan ang dapat nyong subukan.

1
GShack Foodhub
1132 Dos Castillas st., Sampaloc, Manila

Ano ba ang nagustuhan namin sa sisig ng GShack? Hindi naman gaano ka-espesyal gaya ng iba pero patok sa amin ang barkada sisig nila na kayang up to three people. Sa presyong P240 with rice and drink hindi ka na lugi.

2
Sisig sa Rada
Rada Street, Legazpi Village, Makati City

A certain Jolly Jeep sa Makati ang pinipilahan dahil sa kanilang sisig. Ayan ang walang iba kundi ang Sisig sa Rada, na matatagpuan sa Legazpi Village. Konting pasensya lang dahil block buster ang pila lalo na tuwing lunch hour.

3
Razon’s of Guagua
2nd Level Food Choices, Alabang Town
Center, Muntinlupa; 81 Shopwise Center, Araneta Center, Quezon City

Hindi lang pala halo-halo ang dapat tikman sa Razon’s kundi pati na rin ang kanilang sisig meal. Flaky at malasa ang timplado ng kanilang sisig na kikiliti sa panlasa mo.

4
Sisig Society
Sky Garden, SM North Edsa, Quezon City

Apat na klase ng sisig meron dito (Crispy, spicy, bacon & cheese at lechon) na may apat na klaseng karne (chicken, pork, liempo at beef.) ang ibibigay na choices sayo ng Sisig Society na pwedeng either solo or for sharing.

5
Utoy’s Batangas Lomi
at Iba pa
BENNT Building, Concepcion Dos, Marikina City

Aside from the regular sisig, masusubukan mo din sa Utoy’s ang Ilocano version nito ang dinakdakan na gawa sa parte ng baboy tulad ng dila, batok o laman loob na pina-creamy pa ng mayonnaise nila bilang substitute sa utak ng baboy na kadalasan ginagamit sa ganitong klaseng sisig.

6
Pedro N’ Coi
Fishermall, Del Monte, Quezon City

Pinoy na Pinoy ang disenyo ng Pedo N’ Coi at maging ang kanilang, at isa na nga riyan ang sisig. Mapapa-yum ka sa texture ng pork at sa tamis ng mayonnaise (na very generous daw ayon sa mga fans!)

7
Manam
Greenbelt 2, San Lorenzo, Makati City

Kung ang picture perfect lasa ng sisig ang hanap mo, many would say that Manam has the best in terms of crispiness and taste. Sabi nga nila kulang daw ang sisig experience mo kapag hindi mo natikman ang sisig nila.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

It’s a miracle: Bata biglang nabuhay sa nasusunog na bahay

ITINUTURING na isang malaking himala ang pagkakaligtas ng 4-taon na batang babae na diumano’y nakulong...

Applying for a driver’s license? Here’s how

  ARE you planning to get a driver’s license so you can drive your brand...

7 Valentine’s date ideas around Metro Manila

VALENTINE’S is just around the corner, and we know many of you are planning on...

Depression, suicide: Hindi dapat balewalain

SUICIDE ang nakikitang solusyon ng ilang tao para matakasan ang kinakaharap na problema. Isa sa...

Ikaw na maging pusa na may apartment na $1,500 renta kada buwan

SAN JOSE, California (AP) — Dalawang pusa ang nakatira sa isang studio apartment na nirerentahan...

Where to go when in Kapitolyo

KAPITOLYO in Pasig City has always been interesting, especially kung mahilig ka mag food trip....

9 pagkain na babalik-balikan tuwing Simbang Gabi

AMININ, bukod sa pakikinig sa sermon ng pari na siya namang dapat na pangunahing layunin...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...