Balita

Erap sinuntok ang isang lalaki sa parada ng Chinese New Year

02/10/2019

KUMALAT sa social media ang maikling video kung saan makikita ang pagsuntok ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa isang lalaki sa parada ng Chinese New Year sa Binondo.

Sa nangyaring pagdiriwang noong Martes, namigay si si Estrada ng mga angpao o pulang sobre, na may lamang P20 at P50 na perang papel.

“Hala nanuntok si Mayor Erap.” sabi sa tweet ni PinoyAkoBlog (@PinoyAkoBlog) noong Pebrero 6, 2019

Sa isang pahayag, nagpaliwanag naman si Estrada kung bakit niya nasuntok ang lalaki na nakuhaan sa video.

Ipinaliwanag ni Estrada na hinawakan ng lalak ang kanyang kamay dahilan para muntik na siyang mahulog sa parade truck.

“Habang ako’y namamahagi ng tradisyunal na angpao…isang lalaki at hinablot ang aking kamay. Bukod sa halos masubsob na ako mula sa trak na kinasasakyan ko, kamuntik na ring matumba ang matandang nabangga ng lumundag na pasaway na kanyang katabi,” sabi ni Estrada.

“Totoong umigkas ang aking kamao dahil sa insidente. Kung natumba ang matanda dahil sa pasaway na iyon, baka bumaba pa ako ng trak at nabigwasan ko pa siya,” dagdag ni Estrada.

Humingi naman ng paumanhin si Estrada sa nangyaring insidente.

“Isa itong insidente ng silakbo ng dugo dahil sa kagagawan ng taong walang pakialam sa kanyang kapwa,” sabi ni Estrada. “Walang may gusto ng pangyayari at alam kong pagkabigla lang ang insidente kaya ako naman ay humihingi ng paumanhin sa publiko.”

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Mar Roxas’ things to do: Learn, work and love some more

LEARN some more, work some more, love some more. Ito ang mga bagay na nais...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...