outbrain
Sports

TAEKWONDO IS LIFE PA RIN PARA KAY JAPOY

By: - 02/25/2019


KAHIT naabot na ang tagumpay ay hinding-hindi iniiwan ni Japoy Lizardo ang tahanang pinagmulan- ang taekwondo.

Hinubog ng martial arts na ito si Japoy para magkaroon ng mabuting karakter hindi lang bilang atleta kundi bilang isang tao na kanya namang ipinapasa sa mga batang taekwondo jins.

Ilang taon na rin ang lumipas mula nang huling lumaban ang ngayo’y 32-anyos na black belter subalit taekwondo pa rin ang kanyang pinagkakaabalahan- bilang coach sa sariling taekwondo school.

Katuwang ang kabiyak na si Janice Lagman na isa ring taekwondo champion, itinayo nila ang ‘Japoy and Janice Taekwondo.’

TAEKWONDO: CHARACTER-BUILDER

Ito ang paraan ni Japoy upang ibalik sa sport at ibahagi sa kabataan ang mga mahahalagang aral na makukuha mula rito na para sa kanya ay malaki ang ginagampanang papel sa character-building na kanilang dadalhin hanggang sa pagtanda.

“Sobrang laki talaga ng naitutulong ng sports sa pag-build ng character ng isang bata ‘di ba and of course dapat lang din maging consistent lang talaga sa paggabay sa kanila, ” sabi ni Japoy na naging junior national team member sa edad na 14 sa pakikipagkuwentuhan sa INQUIRER LIBRE.

Itinuturo rin ng three-time Asian Games participant ang tamang paggamit ng taekwondo o martial arts para hindi ito mauwi sa masamang pamamaraan.

“Yung martial arts kasi hindi ginagawang biro yan eh pwede kang makasakit, pwede kang makapatay. Pero lagi naming sinasabi na hindi natin ginagamit ang martial arts o taekwondosa pananakit lalo na sa pambu-bully,” sabi ni Japoy.

“Like ako tinuturuan ko yung mga students ko na ’wag gamitin ang taekwondo sa labas, only in the gym kapag nagpapractice, kapag may competition lang.”

Naniniwala rin si Japoy na ginawa ang sport para maitama ang mga pagkakamaling nagawa at matuto mula rito.

“Yan yung maganda naman sa sport hindi yan sumusuko sa isang tao, marami kang pwedeng matutunan maraming pwedeng mag-guide sa ‘yo, kapag nakagawa ka ng mali may magpupunta sa ‘yo sa tama,” aniya.

Isinaisip at isinapuso ni Japoy na hindi dapat yabang ang pairalin para maging kampeon sa sports at sa buhay.

At ang disiplinang ito ang palagi niyang ipinaiintindi sa mga estudyante.

“Dapat ang mga bata paalalahanan sila, laging turuan. Kapag may mga students na mali na yung ginagawa turuan, talk to them sabihin yung mali nila na huwag nang ulitin.”

NATIONAL TEAM SA SEAG

Hindi rin kinalilimutan ni Japoy ang pagmamahal sa national team.

Nagsisilbi ngayon ang three-time Asian Championships silver medalist sa Philippine Taekwondo Association bilang instructor ng mga pambansang atleta.

Naniniwala si Japoy na lumaban din sa World Taekwondo Championships noong 2007, 2009, 2011, at 2013 na malaki ang tsansa natin na humakot ng medalya sa 30th Southeast Asian Games na iho-host ng Pilipinas sa Nobyembre.

“Ngayon kasi yung skill level natin (Philippines) hindi na nalalayo sa iba, I think kailangan na lang natin mas holistic yung approach like nutrition, strength and conditioning kasi skills halos kapantay na ‘yung iba,” sabi ni Japoy na gold medalist sa 2005 at 2011 SEA Games.

“In terms of experiences naman yung mga players naman natin may mga experiences naman na ‘yan and then meron tayong good lineup of competitions this year na makakatulong sa atin in time for SEA Games.”

“Lagi kong sinasabi sa kanila na mag-train lang mabuti kasi dun nila kukunin sa sarili nila yung confidence, kasi kung alam nila sa sarili nila na nagtraining sila ng mabuti, ’yung confidence nila lalabas hindi sila matatakot lumaban sa ibang players,” pagtatapos ni Japoy.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Behind the spotlight: Hurrah to ‘other’ frontliners

ALAS-KUWATRO ng madaling araw, pagod na pagod si Angeli Jane Blanco papasok ng restroom sa...

No boyfriend, no problem; si Muning lang sapat na

HINDI naging bitter ang pagdiriwang ng Valentine’s Day recently ni Marina Bautista, dahil kahit walang...

PITX nagbibigay dignidad sa pagko-commute

BINISITA namin recently ang Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX para malaman kung ano ba...

More opportunities await PWDs, senior citizens

DUMARAMI ngayon ang mga kompanya na tumatanggap ng mga empleyado nila na mga senior citizens...

Matteo’s vow: Pangako po aalagaan ko si Sarah kapareho ng pangangalaga n’yo sa kanya

NAG-sorry si Matteo Guidicelli sa mga magulang ni Sarah Geronimo in a post in his...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...