outbrain
Balitang Commute

School bus solution in morning traffic

By: - 02/28/2019

(AP)

NAPANSIN n’yo ba na kung summer at walang eskwela ay napakalaki ng iniluluwag ng trapiko sa mga lansangan dito sa Metro Manila?

Minsan ay naitanong ko na sa sarili ko kung ano ang dahilan nito. At nitong nakaraang Pasko ay parang nakita ko na ang dahilan.

Sa Amerika, ang mga kabataan sa elementary at high school ay obligadong sumakay ng school bus. Naglalakad sila nang malayo upang magtungo sa mga designated bus stops para hintayin ang kani-kanilang school bus.

Ang school bus doon ay malaki. Kasya ang may 50 estudyante mula sa iba’t ibang antas ng pag-aaral.

Ngayon, isipin natin sa Metro Manila. Ang mga estudyante ay hinahatid ng kanilang mga magulang gamit ang personal na sasakyan nila. Minsan, isang bata, isang kotse.

Ganyan kadami ang mga pribadong sasakyan na lumalabas sa umaga at hapon, para ihatid at sunduin ang mga batang mag-aaral.

Ngayon, isipin natin kung gaano kadami ang sasakyan sa Ortigas at Katipunan sa sistemang ito.

Kung may 15,000 mag-aaral sa Ortigas at mga 25,000 naman sa Katipunan ang laging inihahatid ng mga kotse,  siguro naman nakikita niyo na kung ano ang epekto nito sa trapiko.

Ngayon, imagine natin na ang mga batang ito ay nakasakay sa school bus at bawat bus ay may sakay na 50 bata.

Ang 15,000 kotse sa Ortigas ay magiging 300 bus at ang 25,000 kotse sa Katipunan ay magiging 500 bus. Biglang wala nang kotse sa mga lansangang ito, nilipat lang natin sa bus ang mga bata.

Sigurado ako ang reklamo ay kaligtasan ng mga bata.

Sa Amerika bawal mag-overtake sa school bus na nagbababa o nagsasakay ng bata. Hindi din ito puwede guluhin pag bumibiyahe ay ang mga driver nila ay madalas na isa sa mga magulang ng mga bata.

Hindi komplikado ang solusyon di ba? Isang maayos na school bus service at laking luwag ng mga lansangan sa mga lugar ng pribadong paaralan.

Imbes na kung anong magic ang iniisip para lumuwag ang trapik.

For your suggestions and reactions:  PM us on FB @Inquirer Libre

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Behind the spotlight: Hurrah to ‘other’ frontliners

ALAS-KUWATRO ng madaling araw, pagod na pagod si Angeli Jane Blanco papasok ng restroom sa...

No boyfriend, no problem; si Muning lang sapat na

HINDI naging bitter ang pagdiriwang ng Valentine’s Day recently ni Marina Bautista, dahil kahit walang...

PITX nagbibigay dignidad sa pagko-commute

BINISITA namin recently ang Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX para malaman kung ano ba...

More opportunities await PWDs, senior citizens

DUMARAMI ngayon ang mga kompanya na tumatanggap ng mga empleyado nila na mga senior citizens...

Matteo’s vow: Pangako po aalagaan ko si Sarah kapareho ng pangangalaga n’yo sa kanya

NAG-sorry si Matteo Guidicelli sa mga magulang ni Sarah Geronimo in a post in his...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...