Sports

JORDAN HERO NI LEBRON

By: - 03/12/2019

Los Angeles —Unang araw pa lang na natutong mag-basketball si Lebron James, nais na niyang sundan ang mga yapak ni Michael Jordan.

Inidolo ni James at ng kanyang malalapit na kaibigan si Jordan kasabay ng kanilang pagbibinata sa mga kalsada at palaruan ng Akron, Ohio.

Habang lumilikha ng pangalan si James sa mundo ng basketball nang siya ay tumalon mula high school sa pagiging No. 1 draft pick sa NBA, inaral, ginaya, at humugot siya ng malalim na inspirasyon sa mga nakatutulalang galaw ni Jordan- mula sa mga labas dilang dunks, fadeaway jumpers, pagiging competitive hanggang sa maliliit na detalye gaya ng kung paano isuot ni Jordan ang kanyang sapatos at shorts.

Taas-noo at hindi na hinubad pa ni James ang No.23 sa kanyang likuran magmula ng makuha ang numerong ito noong siya ay sophomore high school.

Nang lagpasan ni James ang career points total ni Jordan nitong Huwebes, malinis niyang isinulat sa pares ng kanyang Nike shoes ang mga katagang ito: “Thank You M.J.”

Hindi masusukat ng pasasalamat na iyon ang impluwensya ni Jordan sa isang bata na nangarap ng maginhawang buhay sa pamamagitan ng basketball.

“MJ was an inspiration,” sabi ni James. “MJ was the lightning in a bottle for me, because I wanted to be
like him.”

Malayo na nga ang narating ng 34-anyos na si James na may tatlong championship rings at hindi matatawarang 16-year NBA career.

At kahit naabot na ang rurok ng tagumpay, patuloy na tinitingala ni James si Jordan, ang kanyang naging pamantayan sa lahat ng naabot niyang karangalan.

Inalpasan ni James ang 32,292 career points ni Jordan para sa ikaapat na puwesto sa NBA’s career scoring list matapos ang three-point play sa second quarter ng 115-99 pagkatalo ng Los Angeles Lakers sa Denver Nuggets.

Tinapos ni James ang laban bitbit ang 32,311 points.

Inukit ni James ang kasaysayan gamit ang sariling playing style- istilong hango sa ‘grace and aggressiveness’ ng idolo.

CHILDHOOD HERO

“When you’re an inner-city kid from Akron, Ohio, like myself and my guys growing up, you look for anything that can inspire you,” saad pa ni James.

“You’re always just up against the numbers of failing. The percentages of guys like myself—single-parent household, only child, underprivileged—[the chance of] making it out is not high at all. MJ had a lot to do with me making it out, along with my mother, along with the city itself, along with the Little League coaches I had.”

“But Mike had no idea what he was doing for a kid that was growing up a 45-minute flight away from Chicago, where he was putting in that work.”

Isa si James sa mga huling active players na nakasaksi sa kadakilaan ng “His Airness” noong naglalaro pa ito para sa Chicago Bulls.

Bibili noon ang totoy na si Lebron ng mga pakete ng basketball cards, umaasang makakukuha ng Jordan card, at aaralin ang bawat aspeto ng laro ni MJ suot-suot ang bahagyang nakatiklop na calf sleeve para lumitaw ang red lining gaya ng kay Jordan.

Walang ring pambili si James nang Air Jordans, ngunit malinaw sa kanyang gunita ang mga panahong namamasyal sa mall at nakatitig lang sa mga red-and-black shoes ni Jordan sa mga estante.

Pinangarap ni James na darating ang araw na magkakaroon din ng sapatos na ipapangalan sa kanya.
Ngayon, may sarili na siyang shoe line na dulot ng pagiging bituin na kanya nang naabot.

“Just in a sense of, some days where you just don’t feel like you’re going to make it to the next day where I grew up, because of everything that’s going on. Like I wrote on my shoes today, I thank MJ more than he would ever know.”

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Mar Roxas’ things to do: Learn, work and love some more

LEARN some more, work some more, love some more. Ito ang mga bagay na nais...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...