Feature

Japanese train etiquette keri kaya ng Pinoy?

By: - 03/13/2019

IMAGINE: Gigising ka ng 4 a.m. Maliligo, magsa-shampoo, magko-conditioner, magbo-blower.  Tapos 30 minutes mong paplantsahin ang damit mo. Maliligo ng whitening lotion. Magpapabango. Ang ganda-ganda mo. Pero pagdating mo sa MRT, makikipagbalyahan, makikipagsiksikan, papawisan at, minsan, mapagsasamantalahan ka lang?

Yes. That is the sad reality of our country’s train system.

Pero wala ka namang magagawa sa madalas na pagtirik ng mga tren o sa volume ng taong gumagamit dahil parehas lang kayo ng laban.

What can we change then? Our attitude, of course!

Japan is well known for its culture of discipline and respect. Evidence ‘yan lalo na sa pagpila, pagsakay at pagbaba ng tren.

Kaya bago mo balyahin yang mga katabi mo para bumaba na sa station mo, read mo muna itong train etiquette by the Japanese.

1. Don’t talk on your phone
Japanese people avoid taking calls on trains. Ang mindset kasi, conversations via phone is disturbing to other passengers. Some Japanese work long hours and sometimes use the train ride to get some sleep. Acceptable naman ang pagsagot ng ilang segundo para sabihing nasa train ka at tumawag na lang mamaya.

2. Manner mode
Otherwise known as silent mode. In Japan, train passengers are reminded to keep their phones in manner mode, so as not to disturb other passengers. Kung nanonood o nakikinig ng music sa phone, dapat may earphone ka at nasa tamang level ng volume ito na hindi maririnig ng katabi mo.

3. Priority sitting


Trains in Japan have seats specifically para sa mga senior citizen, buntis, may kapansanan at may mga dalang bata. Huwag mo nang hayaang titigan ka ni lola o ni lolo nang matagal para mapansin mo siya, ibigay mo na agad ang upuan mo.

4. Be mindful of signs
Sa Japan, lahat may mga signage para iyong sundin tulad ng kung saan tatayo, saan hihinto ang tren, saan sasakay at iba pa. Hindi na sila kailangan bulyawan ni Manong Guard para huwag lumagpas sa yellow safety line.

5. Be mindful of your body odor
Umpisa pa lang ng araw amoy- magdamag ka na ba? Bawal ‘yan! Bago sumakay ng tren, responsibilidad mo na hindi nakakaistorbo ang iyong amoy sa kapwa mo pasahero. In short, maligo!

6. Minimize your talking
Magkasama na nga kayo buong araw hindi pa rin tapos ang chismisan n’yo kaya ayun kahit nakasakay na e todo tawanan pa rin kayo. In Japan, however, this is frowned upon. Japanese discourage talking inside the train because the noise will disturb other passengers. Kung hindi nila maiiwasan ay dinadaan nila sa pabulong at short and concise lang ang kanilang pag-uusap.

7. Don’t smoke, don’t vape 
Hindi naman siguro problema rito ito dahil bawal talaga mag-smoke sa loob ng tren. Sa Japan kasi ay may mga train carriage o smoking areas designated inside the train kung saan ka lang pwede magsindi.

8. Leave nothing 
Ingrained na sa Japanse people ang CLAYGO o clean as you go. Pagpasok ng tren at paglabas, bitbit nila ang lahat ng dinala nila sa loob lalo na ang basura.

9. Pasok lang


Dito sa Pilipinas ay worried na worried baka maiwan sa loob ng tren kaya kahit na malayo pa ang bababaan, kung makakapit sa gilid ng pinto mistulang tuko noong past life niya. Ang gawi sa Japan, diretso agad ang mga bagong pasok sa gitna. Sa pagbaba, kung palapit na sa bababaang istasyon ay saka lalapit sa pinto habang pinaparaan ng ibang pasahero.

 

Editor: Do you have anything to share na dapat ay pasok sa train etiquette?  Share it with us.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

‘Tutok mentality’: Bad trait of Pinoy drivers

  LAST week, isang motorcycle rider ang nasawi matapos siyang “ma-sandwich” sa pagitan ng isang...

Driver na low IQ dapat bawal sa kalye

NAGALIT nang sobra ang Pangulong Duterte sa napabalitang aksidente sa South Cotabato na nagbigay ito...

House Resolution: Foreigner hindi dapat paglaruin sa UAAP, NCAA

NAGHAIN ng resolusyon ang isang kongresista upang ipagbawal ang mga foreigner na estudyante sa paglalaro...

Netizens naantig sa batang nagtitinda ng tinapa para mabuhay

ARAL ang iniwan ng grade six student na masigasig na nagtitinda ng tinapa at daing...

TOTOO NGA BA: Pinay hindi Hapon ang World’s oldest living person?

Have you ever wondered kung sino at kung saan nakatira ang oldest living person in...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...