Balitang Commute

PAL may system upgrade, mga pasahero inabisuhan

By: - 03/15/2019

NANAWAGAN ang Philippine Airlines sa mga pasahero nito na pumunta ng maaga kung sila ay may flight sa Marso 21 at 25.

Magsasagawa ng upgrade ang PAL para umano mas maging friendly at mabilis ang kanilang customer transaction.

Sa transition period sa Marso 23-24, pansamantalang magiging limitado ang kanilang mga IT services gaya ng online check-in, pagbili ng tiket, at pagbili ng Travel Extras at redemption ng mileage privileges.

Tiniyak naman ng PAL na tuloy ang biyahe ng kanilang mga eruplano kahit na ginagawa ang mga pagbabago sa kanilang IT system.

Inaasahan na matatapos ang system upgrade na ito sa tanghali ng Marso 24.

Upang hindi magka-aberya, pinayuhan ng PAL ang kanilang mga pasahero na:

– Dumating sa check-in counter apat na oras bago ang flight

– Magdala ng printed o digital copy ng tiket at ang resibo ng pinagbayaran at isama ito sa isusumiteng valid ID

– Kung bibili ng travel extra gaya ng choice seats at prepaid bags, gawin ito bago mag-Marso 23

– Kung mayroong special request gaya ng bassinets, pagkain at wheelchair gawin ito 72 oras bago ang flight at bago mag-Marso 22

Ang mga maaapektuhan namang serbisyo ng PAL ay:

– Online booking at pagbili ng tiket sa PAL website at PAL Mobile App mula 6 ng gabi ng Marso 23 hanggang tanghali ng Marso 24

– pagbili ng tiket sa ticket offices at PAL contact center mula 8 ng gabi ng Marso 23 hanggang tanghali ng Marso 24

– booking sa pamamagitan ng travel agent at iba pang channels mula 10 ng gabi ng marso 23 hanggang tanghali ng Marso 24

– Rebooking, re-routing at ticket refund mula 8 ng gabi ng Marso 23 hanggang tanghali ng Marso 24

– Pagbili ng Swingaround tour package mula 6 ng gabi ng Marso 23. Hindi pa tiyak kung kailan ito manunumbalik

– myPAL Upgrade bidding sa lahat ng flight mula Marso 21-25.

– Online check-in sa pamamagitan ng website, Mobile App o airport check-in kiosk mula Marso 22- 25.

– Pagbibigay ng onward boarding pass sa mga connecting flights mula Marso 22-24

– Pagbili ng Travel extras mula Marso 23-24

– Paggamit ng Mabuhay Miles, Upgrade Travel Certificates at service class upgrades mula Marso 23-24

-Special requests ng special meals, bassinets, oxygen, stretchers at mga katulad na bagay mula Marso 23-24

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Mar Roxas’ things to do: Learn, work and love some more

LEARN some more, work some more, love some more. Ito ang mga bagay na nais...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...