Balitang Commute

Flights ng PAL ililipat sa Terminal 1

By: - 03/20/2019

INANUNSYO ng Philippine Airlines na ililipat nito ang ilan sa kanilang international flight sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Ginawa umano ng PAL ang pagbabago upang mabawasan ang passenger congestion sa paliparan.

Simula sa Marso 31 ililipat ang mga flight papunta at galing sa New York (JFK), Auckland (New Zealand), Hanoi (Vietnam) at Phnom Penh (Cambodia).

Sa kasalukuyan ang flight papunta sa New York ay umaalis ng Terminal 2 at dumarating sa Terminal 1.

Narito ang listahan ng mga flight ng PAL na aalis at darating sa Terminal 1.

PR 218 / 219 Manila – Auckland – Manila 

PR 126 / 127 Manila – New York JFK – Manila 

PR 118 / 119 Manila – Toronto – Manila 

PR 116/ 117 Manila – Vancouver – Manila 

PR 595 / 596 Manila – Hanoi – Manila 

PR 521 / 522 Manila – Phnom Penh – Manila 

PR 682 / 683 Manila – Dammam – Manila 

PR 684/ 685 Manila – Doha – Manila 

PR 654 / 655 Manila – Riyadh – Manila

Mananatili naman sa Terminal 2 ang pag-alis ng mga flight papunta sa Los Angeles (PR102 / PR112 / PR124 ) at San Francisco (PR104/ PR 114).

Ang flights galing sa Los Angeles (PR103 / PR113 /PR125 ) at San Francisco (PR105/ PR115) ay lalapag naman sa Terminal 1.

Mananatili naman sa Terminal 2 ang aalis at darating na flight mula sa Honolulu (PR100/ PR101), gayundin ang papunta at galing sa Ho Chi Minh City/Saigon (PR591/592 and PR596/ 597).

Pinayuhan ang mga pasahero na mayroong connecting flight na makipag-ugnayan sa PAL customer service agent paglapag sa paliparan.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Mar Roxas’ things to do: Learn, work and love some more

LEARN some more, work some more, love some more. Ito ang mga bagay na nais...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...