Feature

Road courtesy, ethics: Life over property

By: - 03/20/2019

SA kalye, dapat life over property.

Palagi ko na lang nadidinig ang reklamo mula sa mga motorist, lalo na sa mga rider ng motorsiklo, na dapat ay hindi naglalakad sa kalye ang mga tao.  At kung mabundol man sila, hindi dapat daw kasalanan ng motorista kundi yung naglalakad na walang ingat.

Nais kong sirain ang pantasyang ito ng mga motorista, mapa-kotse man ang dala mo o mapa-motorsiklo. Sa batas ng “right of way” na siyang tunay na sinusunod sa mga pampublikong lansangan (hindi po kasali ang toll roads dahil private ito at enclosed sa pedestrians) ang mga tao o pedestrians ang pangunahing may right of way.

Ibig sabihin po nito, kailangan padaanin o pagbigyan ang taong naglakad sa lansangan ng mga mas malalaking sasakyan tulad ng motor o kotse o kahit bisikleta.

Ang dahilan, mas mahalaga ang buhay ng tao kaysa sa isang bagay tulad ng motor o kotse, ang mga piyesa nito ay napapalitan o nakukumpuni samantalang ang buhay ng tao ay hindi.

Una nang niliwanag ng MMDA na kahit anong sitwasyon pa ang ibigay ng isang motorista, hindi siya mananalo sa tao kapag nabangga niya ito.

“Life over property” ang pilosopiya na pinatutupad ng lahat ng traffic enforcers at walang laban ang mga kaskaserong motorista dito.

At habang nandito na tayo sa usaping ito, nais ko lamang linawin na sa road courtesy and ethics, kapag may tao o pedestrian na umapak sa lansangan, kailangang huminto ang lahat ng sasakyan hanggang makatawid ito o makabalik sa ligtas na bahagi ng lansangan.

Ito ang basehan ng pagbabawal sa lane-splitting o traffic filtering o white-laning. Dahil sa aktuwal na road test, dapat na bumagal hanggang makahinto ang mga sasakyan kapag may nakita silang sasakyan na nakahinto na malapit sa kanto o intersection.

Dahil madalas sa hindi, may tumatawid na sa harap ng sasakyang nakahinto at pinadadaan na ito. Kung haharurot pa ang sasakyan sa likod, tulad ng laging ginagawa ng mga motorsiklo sa pagitan ng lanes, mas malaki ang posibilidad na tamaan o mabangga niya ang tahimik na tumatawid na tao o sasakyan sa intersection, na madalas nating nakikita naman talaga.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

SA kalye, dapat life over property. Palagi ko na lang nadidinig ang reklamo mula sa...

Japanese train etiquette keri kaya ng Pinoy?

IMAGINE: Gigising ka ng 4 a.m. Maliligo, magsa-shampoo, magko-conditioner, magbo-blower.  Tapos 30 minutes mong paplantsahin...

It’s a miracle: Bata biglang nabuhay sa nasusunog na bahay

ITINUTURING na isang malaking himala ang pagkakaligtas ng 4-taon na batang babae na diumano’y nakulong...

Applying for a driver’s license? Here’s how

  ARE you planning to get a driver’s license so you can drive your brand...

7 Valentine’s date ideas around Metro Manila

VALENTINE’S is just around the corner, and we know many of you are planning on...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Irasshaimase to Onigiriya

Text by Djan Magbanua Photos by Pau Geluz MANILA is a simmering pot of culture....

Where to go when in Kapitolyo

KAPITOLYO in Pasig City has always been interesting, especially kung mahilig ka mag food trip....

9 pagkain na babalik-balikan tuwing Simbang Gabi

AMININ, bukod sa pakikinig sa sermon ng pari na siya namang dapat na pangunahing layunin...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...