Balita

Di nakabayad ng tuition, Grade 1 pupil inalis ng principal sa honor roll

By: - 03/26/2019

Photo from Clen Limpin’s Facebook post

TINANGGAL sa listahan ng honor roll ang isang Grade 1 pupil at pinagsulat pa ng promissory note ng school principal matapos na hindi mabayaran ang P3,000 tuition fee bago ang araw ng exam.

Gigil na ibinahagi ni Clen Limpin sa Facebook ang hindi makatarungan umanong pamamahiya na ito sa anak ng kanyang kaibigan na nag-aaral sa Our Lady of Lourdes sa Novaliches, Quezon City.

Ito ang kabuuang post ni Limpin:

Isinulat ng bata sa kapirasong papel ang “I promise to pay my tuition fee tomorrow.”

Sa screenshot naman ng palitan ng text message ng ina at ng guro ng bata, ipinaliwanag ng huli na “na-overlook” niya diumano ang pangyayari at dahil sa “no permit, no exam” policy ng paaralan natanggal sa listahan ng awardees ang mag-aaral.

Humingi ng paumanhin ang guro at sinabing hindi niya alam ang ginawa ng principal sa bata.

Sa huling screenshot, ipinakita rin ni Limpin ang mensahe ng isa pang guro ng paaralan tungkol sa mga reklamo nito sa principal.

“Hindi lang po iyan ang ginagawang kalokohan ng aming principal. Marami pa po. Hindi lang po kami makapagsalita dahil nasa poder niya pa kami at madalas po niya kami takutin,” sumbong ng guro.

“Araw-araw po kami kinakabahan sa pagpasok dahil madalas kami murahin, sigawan at ipahiya sa sa harap ng mga bata, magulang, at kapwa guro,” dagdag pa nito.

Nakisimpatiya ang mga netizens sa viral post na ito na may 19,000 reactions at 14,000 shares na sa Facebook kung saan sinabi ng marami na dapat na malaman ng Department of Education ang pangyayari para maaksyunan ang problema.

“Dapat maipagbigay alam ito sa DEPED para mabigyan ng clarity ang issue na ito lalo na ang shaming na nangyari sa bata na malinaw na paglabag sa karapatan ng bata at ang pagtanggal ng academic award sa student just because of the 3k deficit in the tuition fee,” sabi ng isang concerned netizen.

Ngunit mas maraming nabuwisit sa principal.

Ito ang ilan sa mga hate comments:

“Mukang PERA yung principal jusko.”

“Sobrang garapal yang principal na yan, dapat talagang ireport yan sa Deped para matanggal
na yan. Sibrabg garapal sa pera, wala siyang paki kung ano mararamdaman ng bata, she’s/he’s not after the welfare of the child, imagine gr 1 pa lang ang bata eh ginanyan nya.”

“Jusq principal to ah as a student din di nya alam ang shame na ginawa nya sa bata. Tsaka ano pera pera nalang dahil nadelayed ng bayad di na kasama sa award binabayadan naman pala award dyan sa school na yan.”

Sa kabila ng nakalulungkot na pangyayari, saludo at proud friend pa rin si Limpin na saksi sa sipag at tiyaga ng kaibigan para lang mapag-aral ang anak.

“And for my friend who’s working her ass off just to provide for her two children. Please always remember that YOU ARE A GOOD MOM! I’ve witnessed all your sacrifices and I’M VERY PROUD OF YOU. You deserve all the praise and this letter does not define you as a parent.”

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Road courtesy, ethics: Life over property

SA kalye, dapat life over property. Palagi ko na lang nadidinig ang reklamo mula sa...

Japanese train etiquette keri kaya ng Pinoy?

IMAGINE: Gigising ka ng 4 a.m. Maliligo, magsa-shampoo, magko-conditioner, magbo-blower.  Tapos 30 minutes mong paplantsahin...

It’s a miracle: Bata biglang nabuhay sa nasusunog na bahay

ITINUTURING na isang malaking himala ang pagkakaligtas ng 4-taon na batang babae na diumano’y nakulong...

Applying for a driver’s license? Here’s how

  ARE you planning to get a driver’s license so you can drive your brand...

7 Valentine’s date ideas around Metro Manila

VALENTINE’S is just around the corner, and we know many of you are planning on...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Irasshaimase to Onigiriya

Text by Djan Magbanua Photos by Pau Geluz MANILA is a simmering pot of culture....

Where to go when in Kapitolyo

KAPITOLYO in Pasig City has always been interesting, especially kung mahilig ka mag food trip....

9 pagkain na babalik-balikan tuwing Simbang Gabi

AMININ, bukod sa pakikinig sa sermon ng pari na siya namang dapat na pangunahing layunin...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...