Balitang Commute

Bus terminals along Edsa to be closed in June– MMDA

03/26/2019

INIHAYAG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na isasara na ang lahat ng terminal ng bus sa kahabaan ng Edsa sa Hunyo.

Sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na nakipag-ugnayan na sila sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Transportation (DOTr) para sa pagsasara ng mga terminal pagkatapos ng Mahal Na Araw.

“Yesterday we had a meeting with LTFRB chairman and DOTr and then it was about time na isasara na natin yung mga provincial bus [terminals] na yan. Ang LTFRB kasi mag-iikot na rin,” sabi ni Garcia. 

Idinagdag ni Garcia na magsisimulang magsagawa ng dry-run kaugnay ng pagsasara ng mga terminal ng bus pagkalipaa ng Holy Week.

“Dry-run lang muna, ayaw muna natin ng tira nang tira after Holy Week kasi nga [kapag] before Holy Week maraming gagamit niyan at mag-uuwian,” dagdag ni Garcia.

Bahagi ang pagsasara ng mga terminal ng bus sa Edsa ng kampanya ng gobyerno na maibsan ang problema sa trapik sa Metro Manila sa harap naman ng ginagawang pagbababa at pagsasakay ng mga provincial bus kahit saan.

Sinabi pa ni Garcia na marami ng terminal para sa mga provincial bus ang itinatayo sa  hilaga at timog ng Metro Manila kagaya ng Valenzuela City at Sta. Rosa, Laguna.  

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Mar Roxas’ things to do: Learn, work and love some more

LEARN some more, work some more, love some more. Ito ang mga bagay na nais...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...