outbrain
Sports

ROAD TO NBA DREAM

By: - 04/01/2019

PRODUKTO ng European-style of basketball sina NBA stars Paul Gasol at Kristaps Porzingis– ang dalawang idolo ni Kai Sotto.

Simula ng mamulat sa sport hanggang sa ituring na “future of Philippine Basketball,’ inspirasyon para sa 7-foot-2 center ang mga manlalarong ito para tuparin ang pangarap na maging unang homegrown Filipino na makapaglaro sa glamorosong National Basketball Association sa Estados Unidos.

At gaya nina Gasol at Porzingis, nais ng 16-anyos mula Ateneo de Manila na gawing hakbang ang paglalaro sa Europa patungo sa inaasam na NBA dream.

Limang bigating koponan mula sa Europe ang nagpahiwatig ng interes kay Kai: Ang Spanish teams na Real Madrid Baloncesto (10 Euro League Championships), FC Barcelona Lassa (18 Spanish Championships)Saski Baskonia, Movistar Estudiantes , at German ballclub na Alba Berlin (8 German Championships).

Kung may isang tao pang lubos na nakaaalam na Europe stint ang makapagbibigay liwanag sa hangarin ni Kai, ito’y walang iba kundi ang kanyang amang si Ervin Sotto na professional cager at naglaro sa PBA ng walong taon.

Isa sa mga option namin yung Europe, actually yun ang tinitignan talaga namin,” sabi ni Ervin sa sendoff ng Chooks-to-Go para kay Kai sa Edsa Shangri-La noong isang linggo.

US TRAINING

Magsisimula ang pag-abot ni Kai sa pangarap sa dalawang buwang training sa Amerika kung saan unang-una sa listahan ang physical conditioning ng reigning UAAP Juniors MVP.

“Aalis kami ng April. Ang una naming stop sa Atlanta kasi yung agent na magha-handle kay Kay is Atlanta team,” dagdag ni Ervin.

Para makipagsabayan ka dun sa malalakas na players kailangan mag-start muna siya ng intensive training and siyempre may height naman siya nandun na yung basketball skills niya, yung basketball IQ niya sa laro. Ang nakikita ko lang na kulang kay Kai is yung pagpapalakas ng katawan, competition, exposure.”

Sinabi pa ni Ervin na maghahanap din sila ng ibang lugar sa US na tututok hanggang sa pinakamaliit na detalye.

Maghahanap [pa] kami ng specific na training para sa kanya kasi iba naman yung training ng mga guard, iba yung training nga mga bigs. Kailangan yung specific sa kanya.”

BATANG GILAS, STUDIES

At kahit uumpisahan na ang “road to NBA”, ipinangako ng ama sa sendoff na hindi kalilimutan ng anak ang national team duties kabilang ang June 29-July 7 2019 Fiba Under-19 World Cup sa Greece.

“Yun yung top priority ni Kai, maglaro para sa bayan so expect niyo na maglalaro yung bata.”

Prayoridad din ng Junior High School graduate ang edukasyon at kung matuloy sa Europe, ipagpapatuloy niya ang pag-aaral sa Spain, ayon pa kay Ervin.

“Uunahin ko rin yung studies dahil studies first,” sabi ni Kai sa hiwalay na panayam ni Andrei Felix para sa programang Sports Desk ng CNN Philippines.

Alam ni Kai na butas ng karayom ang papasukin, isama pa ang milyong hoops fans na umaasang siya na ang maging unang full-blooded Pinoy na aapak sa NBA.

Kaya naman, ani Kai, makatutulong ng husto kung mga beterano na ang makakatapat at gagabay sa kanyang training.

“NBA, iba na yung competition, nandiyan na talaga yung magagaling sa buong mundo kaya expect ko na na mas maganda kung matatanda makakalaban ko,” sabi pa ni Kai sa tv interview.

Wala pang katiyakan kung saan dadalhin ng tadhana si Kai ngunit isang bagay lang ang malinaw ngayon: Handa nang abutin ng higanteng si Kai ang dambuhalang NBA dream.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Behind the spotlight: Hurrah to ‘other’ frontliners

ALAS-KUWATRO ng madaling araw, pagod na pagod si Angeli Jane Blanco papasok ng restroom sa...

No boyfriend, no problem; si Muning lang sapat na

HINDI naging bitter ang pagdiriwang ng Valentine’s Day recently ni Marina Bautista, dahil kahit walang...

PITX nagbibigay dignidad sa pagko-commute

BINISITA namin recently ang Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX para malaman kung ano ba...

More opportunities await PWDs, senior citizens

DUMARAMI ngayon ang mga kompanya na tumatanggap ng mga empleyado nila na mga senior citizens...

Matteo’s vow: Pangako po aalagaan ko si Sarah kapareho ng pangangalaga n’yo sa kanya

NAG-sorry si Matteo Guidicelli sa mga magulang ni Sarah Geronimo in a post in his...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...