Good Vibes

Run with the divas, help old gays in need

By: - 04/05/2019


WHOEVER started charity runs deserves the Nobel prize.

Aside from the usual health benefit kasi ng pagtakbo, it’s also a way of sending message to the public, raising awareness and doing good deeds for others’ benefits.

Tulad na lang ng kauna-unahang “Running Divas Manila,” isang running event na dedicated para sa lesbians, gay, bisexual, transgender o LGBT community.

Inilunsad ito ng Green Media Events Company katuwang ang pederasyon ng mga beki na “Fabulous Running Divas” na kilala sa kanilang mga makukulay na costumes kapag sumasali sa mga takbuhan.

Parehong advocate ng gender equality, ang #ultimategoal nila ay ang mabigyan ng tahanan ang mga tinaguriang “Golden Gays” o ang mga matatandang beki edad 60 pataas na ulila na sa pamilya.

“Yung advocacy namin is more on doing home for golden gays kasi wala talaga silang shelter. Yung running itself part of that will proceed to their operations,” sabi ng race organizer na si Jenny Lumba.

Isa sa mga kinahaharap ng mga senior citizens na ito ang kawalan ng tahanan– ang isa sa basic needs ng tao para mabuhay.

Binuo ng activist at entertainment columnist na si Justo Justo ang “Home for the Golden Gays” noong 1975 upang kupkupin ang mga homeless at mahihirap na matatandang bakla na walang matutuluyan.

Subalit nang namayapa si Justo noong 2012 ay pinaalis ng kanyang pamilya ang mga golden gays sa bahay na kanyang pagmamay-ari.

Pero hindi doon natapos ang buhay ng mga “tanders” (read: matatanda) dahil sama-sama nilang hinaharap ang hamon ng buhay.

Isang artikulo ang isinulat ng Agence France-Presse (AFP) at inilabas ng South China Morning Post noong July 2018 na may titulong “Meet Manila’s Golden Gays, fighting for their rights one pageant at a time” ang tumalakay sa kanilang daily struggles.

Isang beses sa isang buwan kung magdaos ng pageant ang Golden Gays at ang ibinibigay na pera ng private sponsors ay sapat lang para makakain ng maayos at makabili ng kaunting grocery items para sa mga susunod na araw.

Pandagdag sa kakarampot na kita sa araw-araw na paghuhugas ng pinggan at pangangalakal ng basura.

Ikinuwento pa ni Ramon Busa, miyembro at organizer ng pageant, sa AFP na ang lubos na kailangan ng samahan ay magkaroon ng permanenteng tahanan na sana, ipagkakaloob ng pilantropo.

“With or without a house of their own the Golden Gays will survive,” sabi ni Busa.

“That’s how we live – hand to mouth. But we have to maintain our poise, our will to live,” Busa said. “It’s truly difficult but there’s no choice.”

Kaya naman malaking bagay ang gagawing karera sa June 23 na magsisimula sa CCP Complex, iikot sa Buendia flyover at muling babalik sa CCP para makalipon ng pondo para sa pagpapatayo ng shelter para sa Golden Gays na pinabayaan na ng kanilang mga mahal sa buhay.

May 3K, 5K, 10K at 21 race categories na pwedeng pagpilian para sa mga interesadong lumahok.

Para kay Fritz Labastida, aktibong miyembro ng Fabulous Running Divas, mahalaga para sa kanyang mga “tita” ang magkaroon ng sariling tahanan lalo pa’t umaatake na rin ang iba’t ibang uri ng sakit dahil sa kanilang tumatandang edad.

May mensahe rin siya para sa mga takot pang mag-out ng kanilang tunay na kulay: “It’s time to spread the rainbow. Magpakatotoo sila sa sarili nila and ‘di lang naman sila tatakbo for fun lang kundi para na rin sa healthy living.”

 

For further details of the Running Divas Manila you may contact Ms. Jenny Lumba at 09989998345/ 09778521439

Follow Inquirer Libre on Twitter @inquirer_libre and Instagram @libre_ipi

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Mar Roxas’ things to do: Learn, work and love some more

LEARN some more, work some more, love some more. Ito ang mga bagay na nais...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...