Sports

PUP alumnus not giving up on PBA dream

By: - 04/07/2019

Photo from CBA Pilipinas Facebook page

DREAM  come true para sa isang nangangarap na maging basketball player ang makapaglaro sa Philippine Basketball Association.

Para kasi sa isang batang Pinoy na lumaki sa mga sementadong court habang ginagaya ang kanyang mga paboritong player, PBA ang tugatog ng tagumpay.

Ang pangarap na ito ang nais pang tuparin ni Marlon Monte na kasalukuyang naglalaro para sa Bulacan Heroes ng Community Basketball Association o CBA.

“Lahat naman ng player yun ang pangarap ang makapaglaro sa PBA. Sana may kumuha kaya ita-try ko pa rin best ko,” sabi ni Monte.

Naglaro para sa Polytechnic University of the Philipines sa State Colleges and Universities Athletic Association mula 2009-2013 si Monte kung saan mahigpit na karibal ng Sta.Mesa based-dribblers ang Rizal Technological University.

Nakatapat noon ni Monte sa mga epikong bakbakan ng PUP at RTU si Jerico Cruz na ngayon ay nasa PBA na suot ang uniporme ng TNT KaTropa.

Isa sa mga hindi niya malilimutang laban kay Cruz ay ang nauwi sa rambulang SCUAA men’s basketball finals noong 2012.

Matapos ang college basketball, nagpa-draft si Monte noong 2013 PBA Rookie Draft ngunit walang koponan ang kumuha sa kanya.

“Sad pero hindi natapos yung pangarap ko dun nagpursigi pa rin ako,” sabi ni Monte habang kinukwento ang star-studded draftees na kanyang nakasabay gaya nina Terrence Romeo, Greg Slaughter, Ian Sangalang at Raymond Almazan.

Naglaro sa iba’t ibang ligang labas matapos maging free agent, nabigyan ng pagkakataon si Monte na makapaglaro para sa PBA D-League at Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Una siyang naglaro para sa Bulacan Kuyas bago na-trade sa Pasig Pirates at nag-average ng 10 points per game. May five points per game naman siya sa McDavid.

“Ok yung experience ko dun sobrang laking experience kasi semi pro din yun eh. Thankful ako kasi nakapaglaro ako sa D-League at MPBL,” sabi ni Monte.

Aminado rin ang cager na tubong Guiginto, Bulacan na mahirap makipagsabayan lalo’t napakaraming mahuhusay na guwardiya ang kanyang nakakabantayan.

“Sobrang hirap kasi magtitiyaga ka talaga. Kailangan complete package ka. Dapat maganda dribbling mo, ok yung shooting mo and passing siyempre.”

Dahil ito lang ang tanging paraan para matupad ang makapaglaro sa PBA, dito siya humuhugot ng inspirasyon sa araw-araw.

“Mahirap pero masarap kasi passion ko naman yun. Minsan sa isang araw tatlong beses ako nag-eensayo hindi ko iniinda yung pagod basta masaya ako sa ginagawa ko.”

Nagbubunga naman ang sipag at tiyaga ni Monte dahil halos tatlong buwan pa lang mula nang maglaro sa CBA ay siya na ang go-to-guy at leading scorer ng Bulacan Heroes sa 1st Founder’s Cup na binuksan nitong Enero 27 sa JFD Gym sa San Mateo, Rizal.

May 16 na koponan ang kalahok dito.

May game average na 20 points si Monte para kilalaning Player of the Month ng CBA para sa buwan ng Marso.

Ang CBA ay isang regional-based grassroots basketball tournament at binuo ng dating aktor na si Carlo Maceda noong Hulyo 2018.

Anim na taon na ang nakararaan nang sinubukan ng 30-anyos na shooting guard pumasok sa PBA. Kuwento pa niya, halos lahat nga raw ng kanyang teammates sa PUP ay abala na sa kani-kanilang corporate jobs.

Ngunit ito si Monte, patuloy na naglalaro at hindi nawawalan ng pag-asa na balang araw makikita ang kanyang sarili na naglalaro sa oldest play-for-pay league sa Asya.

“Kung sakaling makapag-PBA ako, ako yung pangatlong PUP player next to Jerwin Gaco and Bonbon Custodio.”

“Para matupad yun kailangan ko pa magpa-condition ng matindi, practice everyday and siyempre pananalig kay God.”

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Maingay na tambutso sa Pasay may multang P4K

KUNG residente ka na may sasakyan sa Pasay at kung ikaw naman ay dadaan lamang...

Netizens naghinaing sa tax sa ‘daing’

ISA lang ang sigaw ng maraming Pilipino ukol sa proposal ng Department of Health (DOH)...

Maging ligtas sa Undas: 8 street-smart tips for travelers

ASAHAN na exodus na naman sa Maynila ang ganap ng marami nating kababayan ngayong ilang...

Unused VL, SL convertible to cash!

NGAYONG papalapit na ang Christmas season, isa sa mga pinakahihintay nating mga empleyado ay ang...

6 nakakakilabot na lugar sa Pinas

MARAMING napaulat na kababalaghang nangyari sa bansa at ang mga ito ay pinatotohanan ng mga...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...